Monday, November 12, 2012

Siksik

Kagabi ay napanood ko ang Livin' La Vida Imelda, isa sa mga handog ng 4th National Theater Festival na kasalukuyang tumatakbo sa Cultural Center of the Philippines. Performed by Carlos Celdran, tinalakay niya ang bonggang buhay ni First Lady Imelda Marcos.

The actors of Livin' La Vida Imelda
Kahalintulad ito ng ginagawa niya sa Kwentong Kalye sa Aksyon TV kung saan naglalahad siya ng impormasyon habang nagpapakita ng mga larawan sa hawak niyang clear book. Para mas lalong makulay ang palabas, tinulungan siya ng pitong theater actors at isa dito ang Talentadong Pinoy grand winner na si Astroboy bilang Imelda.

Photo by Jav Velasco
Siksik sa kasaysayan na sinamahan na humurous na paglalahad ni Carlos kaya todo aliw ang halos dalawang oras ng palabas. Bukod diyan, ilan sa mga nanood ay forenjers. Kaharap ko pa ang crush ko sa Philippine Volcanoes na si Chris Everingham. Water water ako habang nanonood hihihihi! Binalak ko sanang magpa-pica kaya lang nadyahe akez. Parang 'di bagay dun sa event kaya sinikil ko muna ang pagiging hayok. CHOS!

Ang Livin' La Vida Imelda ay magkakaroon pa ng dalawang palabas sa November 13 at 15, 7 PM sa CCP Silangan Hall. Para sa tickets, tumawag sa CCP Box Office 832-3714 | 832-3706, TicketWorld 891-9999 o bumisita sa www.culturalcenter.gov.ph

No comments:

Post a Comment