Friday, November 30, 2012

Konserbatibo

Pagkatapos ng presscon ni Monique Wilson para sa One Billion Rising, diretso ako sa opisina ng Viva sa Ortigas para todong sugurin ang last day video sale nila. Dalawang VCDs ang nabili ko ang isa dito ang Nympha...

"Hindi ko na talaga kaya. Hirap na hirap na ako.
Ayoko na maging pahirap sa inyo... mahal na mahal ko kayo. Patawarin niyo ako..."
Nympha (2003)
Regal Entertainment Inc,
Directed by Celso Ad Castillo
Screenplay by Roy Iglesias and Celso Ad Castillo
Starring Gloria Diaz, Dino Guevarra, Antonio Aquitania, Joseph Hizon, Cholo Medina, Bing Victoria and Maricar de Mesa

Obvious sa title kung sino ang bida. Isang ulila na pinalaki sa konserbatibong pamamaraan ng kanyang Tiya Issa (Diaz). Relihiyosa, hindi nagsusuot ng seksing damit, kasalanan ang gabihin sa daan at higit sa lahat, bawal makihalubilo sa ohms. Hindi ko keri 'yun! Pero kung gusto, maraming paraan at diyan magaling si Nympha (de Mesa). Kaya naman limang ohms ang tinikman niya.

"Masagi lang ho ako ng lalaki, iba na po ang pakiramdam ko. Hindi ho ako makatiis eh."
Una si Teban (Medina) na karpintero sa bahay nila. Sinilipan siya nito habang naliligo. Imbes na maeskandalo, nginitian pa niya ito at ipinagpatuloy ang pagbuhos ng tubig sa tabo. Sunod diyan si Lauro (Hizon) na tindero ng native products tulad ng duyan, salamin, walis ting-ting atbp. Pagkatapos niyan, saka pa lang nabunyag ang relasyon niya kay Dodong (Guevarra), ang sakristan sa simbahan na kanyang pinagdarasalan. Sweet-sweetan sila kaya wholesome ang ganap. Next in line si Elias (Victoria), ang asawa ng kapitbahay nila. Nahuli siya nito na naliligo sa ulan sa kalagitnaan ng gabi habang kinikiskis ang sarili sa isang puno. How cinematic! Magaya nga. Last but not the least si Noli (Aquitania), ang photographer na gusto siyang gawing model pero hindi na nangyari. Bakit? Kasi namatay siya.

Remake ito ng 1971 film with the same title. Sa pagkakatanda ko, March 2003 nang ipalabas 'to sa sinehan as launching  ni Maricar de Mesa sa sexy movies. Bet na bet ko ang mystery feel ng pelikula. Salamat sa mahusay na pagsulat at direksyon ni Celso Ad Castillo (RIP) at bongga ang kinalabasan. Hindi ka titigil sa panonood hanggat 'di nalalaman ang susunod na mangyayari. Wit ko na ikwento kung ano ang ending. Panoorin niyo kung sino ang pumatay sa bida. Mali ang inakala kong suspek kaya nasurpresa ako.

Rating: 4/5 stars

No comments:

Post a Comment