Saturday, November 17, 2012

Kaparis

Gusto kong maiyak ng bongga sa restored version ng isa sa pinaka importanteng pelikula ng ating bansa. Ang ganda ng pagkakagawa ng makabagong trailer na dinagdagan ng dumadagundong na sound effects. Parang halos mahahalikan mo na si Ate Guy sa screen dahil ngayon, mas malinaw na talaga. Wala na ang subtitles sa ibaba at gilid nito. 

Mahal daw ang HD conversion ng isang lumang pelikula. Kung bilyonarya lang akez, hindi ako mangingiming todong waldasin ang kayamanan ko para lang ma-restore pa ang ilan sa La Aunor masterpieces tulad ng Bona, Minsa'y Isang Gamu-Gamo, Tatlong Taong Walang Diyos, Bakit Bughaw Ang Langit? atbp. Wish ko lang magpondo ang gobyerno sa ganitong klaseng proyekto dahil ang pelikulang atin ay walang kaparis sa mundo. Tunay na maipagmamalaki ng lahing Pilipino.

8 comments:

  1. esperekengkeng esperekangkang !!!

    ReplyDelete
  2. gumanda nga bb melanie, kumpara sa dating napanood ko. diko masyadong naappreciate un gasgas na nakita ko.

    ReplyDelete
  3. Wow ang ganda. Malinaw at malinis. Bibili ako kahit mahal.

    ReplyDelete
  4. Labs na labs kita, Bb Melanie. Pareho kasi tayong Noranian. Kahit bata-bata pa naman ako at di ko naabutan ang kasikatan niya, ang dami ko na ring napanood na pelikula niya sa DVD/VCD at Youtube. Grabe! Ang galing ng babaeng 'yan!

    ReplyDelete
  5. Correct ka diyan Ms. Melanie, mas maa-appreciate ng mga tao ang Himala ngayon. At sana, katulad ng wish mo, pati yung ibang masterpieces ni Nora, gawin din in full HD version.

    ReplyDelete
  6. Papaanuorin ko ito sa Decmebr 5. Hindi ko ito napanuod nuong 1982 dahil 1st high school pa aako nuon. Laging sa Cinmea One Channel ko ito napapnuod. Ngayon na ang panahon para mas ma-appreciate ko siya sa mas malaaking telon.

    ReplyDelete
  7. "Marami kang tagasunod, pero wala kang kaibigan. Ikaw ang maysakit. Pinagbebentahan mo sila ng himala."
    - Nimia

    ReplyDelete
  8. Ms. M,
    Merong Himala book launching sa December 4, 2012 sa Edsa Shagrila Cineplex Lobby 4:00 pm. Ito parin ay isinulat at inilimbag ni Mr. Ricky Lee. Limited edition lang ang librong ito.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete