Sunday, November 18, 2012

Sayaw

Nitong Viernes ay nagkaroon ako ng tsansang mapanood sa 4th National Theater Festival ang star-studded na Sayaw ng mga Seniorita.

Binubuo ito ng ilan sa pinakasikat nating tiyahin sa showbusiness: Manny Castañeda, Joel Lamangan, Soxie Topacio, Arnell Ignacio at si kagandahang BB Gandanghari. Kwentong buhay ng limang bakla at kung paano sila tumanda bilang bakla. Ang simple de vaaahhh? Pero ang hindi simple ay ang bonggang pagganap ng mga artista at kung paano nila binigyang buhay ang kani-kanilang karakter.
Punong-puno ang Tanghalang Huseng Batute (THB) ng CCP bago ang itinakdang oras ng palabas. Buti na lamang at naka-upo pa kami ng kasama ko. Sa bandang gilid na kami nakapwesto. Star-studded ang audience dahil nasight ko si Manay Ichu Vera-Perez, primera contravida Gladys Reyes, PEP.ph writer Mell Navarro at ang isa pa nating tiyahin na si Fanny Serrano.

Simula pa lang ng palabas ay napuno na ng tawanan at hagalpakan ang THB. Paborito ko ang karakter ni Romeo (Ignacio), talent manager ng masasarap na ohms. Nakakainis naman ang kakunatan ni Teresa (Lamangan). I'm sure maraming makakarelate kay Gerry (Castañeda) na isang pamilyadong bakla. Todong maswerte naman si Rading (Topacio) na tumandang may nagmamahal. Abangan niyo kung sino 'yun dahil pagkasarap-sarap niya! Masusorpresa naman kayo kung ano ang kinalaman ni Racquel (Gandanghari) sa buhay nila.

The BB Gandanghari
Starstruck kaming lahat sa pagdating ng dyosa!
Chase Cervera
Mahal ko na siya!
with Arnell Ignacio
Sobrang nakakatawa siya sa play
with Manny Castañeda
with Direk Joel Lamangan
Abangan niyo siya bilang Teresa
with Soxie Topacio
Isa sa masarap na talents ni Romeo
with Johnron (as usual masarap pa rin siya)
Fan na fan!
Ang healthy ng eyebags ko AMP!
Starring din dito sina China Cojuangco, Doreen Bernal, Roeder Camañag, Dax Alejandro, Chase Cervera, Royce Chua, Christian Paul Meteoro at Johnron Tañada. Written by Jose Javier Reyes and directed by Jun Pablo.

Mapapanood pa ang Sayaw ng mga Señorita sa AFP Theater, Camp Aguinaldo sa November 23 & 24 at December 1, 7 & 8. For schedule and tickets, please visit www.ticketnet.com.ph

4 comments:

  1. uy ateng si royce na masarap yung naka red..hihihi

    ReplyDelete
  2. wow , 'kaw na teh , elbow to elbow with the rich and famous he he he ...

    ReplyDelete
  3. kafez mo pala si Victor Basa teh! Gwash! haha

    ReplyDelete
  4. -Prinsesang Astig, Royce pala name niya. Hooongsarap niya!

    -Teh Edgar, baka sakaling mahawaan akiz ng pagiging rich and famous nila :D

    -Teh nimpa, pwede bang Divine Lee na lang? Lakas makalalake kung Victor Basa eh. CHAR!

    ReplyDelete