Wednesday, December 5, 2012

Hitik

'Yan ang isa sa aking mga pinagkakaabalahan habang nag-aantay ng tawag mula sa mga inapplyan ko online. Pinahiram sa akin ni F, isang kaibigan na manunulat din. Pagkaabot pa lang niya, agad-agad akong na-excite dahil sa pamagat at author. Panahon pa lang ng Teysi ng Tahanan eh kilala na si Dra. Margarita Holmes at ang kanyang walang kiyemeng eksplenasyon patungkol sa relasyon.

Wala pa nga ako halos sa kalagitnaan ng pagbabasa pero ang dami ko nang natututunan. Ang librong Naiibang Pag-ibig, Ang Maging Bakla sa Pilipinas ay binubuo ng mga sulat kay doktora ng mga taong straight man o hinde, na humihingi ng ekspertong opinyon sa kanilang agam-agam. Hindi ko maiwasang ma-visualize ang bonggang hand at head gestures ni doktora habang binabasa ang kanyang mga tugon.

Hitik ang libro sa impormasyon at detalye. Dito ko natutunan kung anong mangyayari kung lulunukin ang tamod, ang ligaya sa likod ng pagsasalsal at 'pag-iipit', at ang maselang gawain na fist-fucking. Tinalakay din dito ang relasyong lesbiyana, sakit na maaaring makuha at paano ito maiiwasan, ang pagiging magulang ng isang bakla, relihiyon, kuryosidad sa sekswalidad at marami pa.

Una itong nailimbag noong 1995 at sa kasalukuyan ay hindi na makikita sa kahit saan mang bookstore. Sa totoo lang, todong kailangan natin ang ganitong libro lalo na ngayon na patuloy na tumataas ang bilang ng mga naaapektuhan ng HIV/AIDS dahil sa kamangmangan sa seks. Isang malaking tulong kung maililimbag itong muli nang sa gayon ay may mapagkukunan ng impormasyon ang ating lahi.

3 comments:

  1. hello binibining melanie, pwede bang malaman kung saan binili ng friend mo yang libro? thanks





    PS: binibining melanie sana mapost ka rin ng opinyon mo regarding showbiz, example, kung sino talaga ang numero unong channel/network. gusto ko lang malaman opinyon mo sa mga ganun, ang galing mo kasi sa mga opinyon eh.

    ReplyDelete
  2. Teh Anonymous, check NBS or any local bookstore. As far as I know, out of print na 'yan pero tingnan mo pa rin.

    Mahirap 'yang request mo ah! Para kasi akong kiti-kiti kapag hawak ang remote. Basta maganda ang show pinapanood ko kahit saang channel pa 'yan :)

    ReplyDelete
  3. wala bang kindle version niyan? haha

    ReplyDelete