Monday, February 11, 2013

Ernesto, Dick at Jun

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Ernesto Maceda, Dick Gordon and Jun Magsaysay
Tatlong datihan, tatakbo ngayong Mayo...

Isang aktibo sa Red Cross...

Isang anak ng dating pangulo...

Isang ex-senate president...

Kayo, nakanino ang boto niyo?

2 comments:

  1. Yes to Gordon, Yes to R. Magsaysay Jr. (para klaro, full name talaga - dahil yung pekeng Magsaysay wish..., masyado syang EPAL - No to Mitos), and NO to Manong Ernie (matanda na sya pahinga na sya sa piling ng mga hombre nya...hahaha). Antonia of KSA

    ReplyDelete
  2. Sabi ni Manong Ernie Maceda sa kanyang TV & radio add, "talamak daw ngayon ang corruption sa gobyerno" at kailangan ng bayan ang katulad nya upang masugpo ang corruption, hahahha ulyanin na talaga si Manong, di nya maalala noong panahong nasa senado sya (naging Senate Pres. pa)and same time during the term of Pres. Erap... RAMPANT ang corruption (kabi-kabila sa gobyerno), anong ginawa niya? Wala!!!, ang tinutukan niyang expose, escort service ng mga artista sa Brunei. Iyan ba ang pinagmamalaki mo Manong... WALEY 'TO.... NO to Maceda...

    ReplyDelete