Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition
Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!
Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.
***
Gregorio Honasan and Greco Belgica |
Laban sa baguhan na muy gwapito.
Big time ang partido ni oldie...
Samantalang si cutie walang ads sa TV.
Kasama ba sila sa listahan niyo?
No Way sa dalawa.
ReplyDeleteang mga pinoy na botante ay hindi dapat tumingin sa hitsura ng kandidato. and tamang gawin ay pakinggan ang kanilang plata porma o ang kanilang polisya pag nanalo
ReplyDeleteang gwapo ni greco! naglalaway ang fekek ko! charaught! NO for gregorio, for greco? wala pa akong nababasa na plataporma nya, NO pa rin.
ReplyDeleteNO for Gringo... simula't sapul after EDSA Revolution, taktika nila ng kanyang amo (si Senate Pres.) ang magpabango ng pangalan, gumawa kuno ng para sa bayan, pero sa tutoo parehong sariling interest ang kanilang motibo at focus.. NO way talaga kay Gringo... from Antonia of KSA
ReplyDeletesa talas ng isip, tapang ng dibdib at kabutihan ng puso...walang kakabog kay MITOS MAGSAYSAY. sya ang pambulabog kay PNOY , carandang at iba fah! bet na bet ko sya!
ReplyDelete