Monday, December 16, 2013

Paspasan

Dalawang nakakagimbal na pangyayari ang naganap na feeling ko eh close sa buhay ko (o gusto ko lang i-relate ang sarili ko).

Courtesy of ABS-CBN News
Kagabi ay sinalakay ng Martilyo Gang ang SM North EDSA. Napasugod pa si PNoy at ang kanang kamay niyang si Mar Roxas para umeksena. Sa mga hindi pa noseline ang modus ng grupong 'yan, bitbit ang dalang martilyo ay babasagin nila ang eskaparate ng jewelry stores at sa isang saglit ay lilimasin ang mga alahas. Todong magkakagulo ang mga inosenteng mall goers at dito hahalo ang mga kawatan at aarteng parang walang alam hanggang sa makatalilis. Base sa pica eh sa first floor ng department store nangyari ang krimen. Hindi pa alam kung dala ng mga suspek papasok ng mall ang martilyo o binili sa loob. Nakakaloka dahil nung tanghali ay nandiyan kami ni mudra at namili ng kawali at tinidor.

Courtesy of GMA News
Kanina naman ay nag-dive mula sa Skyway ang Don Mariano bus at may nadaganang isang van. Habang sinusulat ko ito eh dalawampu't isa na ang kumpirmadong teggie. Kilalang paspasan kung magmaneho ang mga driver ng bus na 'yan. Hindi ko naman nilalahat pero base on my experience, ang byahe ko sa gabi from QC to Makati ay nakakaya nila ng trenta minutos. Basta walang trapik ah! Peborit kong sakyan 'yan kasi alam kong 'di ako male-late. Ngayon, kelangan gumising ng maaga para sa byaheng mahaba dahil suspendido sa kalsada ang bus company na 'yan.

Ewan ko ba pero pansin niyo ba kapag holiday season eh dumadami ang 'di kagandahang ganap sa kapaligiran. Kaya doble ingat tayo mga ateng at samahan ng panalangin ang bawat byahe. Sayang ang byuti kung hindi itotodo ang life

6 comments:

Anonymous said...

tanong lang po! bakit dun sa SM sugod agad si Noynoy at Mar. e ni wala nga na tegi kahit isa. pero dito sa Edsa bus accident na more or less 20 ang tegi e no show sila. alin b sa dalawa ang higit na nanganga-ilangan ng tulong? nagtatanong lang po.

Melanie said...

Teh Anonymous 1, ikaw ba naman ang maging isang Henry Sy eh. Ewan ko na lang...

Anonymous said...

balak ko sanang gmawa ng sarili kong blog. pano po ba gmawa ng blog banner? is there specific software you can suggest

Anonymous said...

hindi sila pumunta dun pra sa nangyari si mar bumili ng sinelas pra sa pasko.. si pnoy nman nghanap ng gift sa kanya faborite pamankin

Anonymous said...

^PLANGAK!

Anonymous said...

baka nanood sila ng sine don si Pnoy at si Mar, director's cut ba nd indie film na m2m debah

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...