Monday, December 9, 2013

'Di maawat

Alyz Henrich
Miss Earth 2013
Hindi ko na talaga kinaya ang powers ng Venezuela pagdating sa pagandahan. Dalawang beses na silang nanalo last month (Miss Universe at Mister International), ngayon naman ay sa Miss Earth na ginanap noong Sabado, December 7 sa Versailles Palace, Muntinlupa. Umpisa pa lang ng labanan eh 'di maawat ang lolah niyo sa todong paghahakot ng special awards: Best in Evening Gown, Miss Hana, Miss Psalmstre Advanced Placenta, Miss Pontefino tapos pangatlo siya sa Best in Swimsuit, Most Child Friendly at top 15 sa Resorts Wear. WHEW! Grabe mag-train 'tong si Osmel Sousa huh!

(L-R) Korea, Austria, Venezuela and Thailand
Miss Air ang merlat from Austria na madalang ko lang makita sa semifinals ng kahit anong beauty pageant. Thai beauty ang Miss Water at Koreana si Miss Fire. Maraming magagandang pasok sa top 16 tulad ni Miss Mexico at Miss Serbia na parang nag-aapoy ang pagkapula ng hairlaloo. Bongga naman ang pagkakatawag kay Miss Mauritius na aminin niyo palaging snub sa Miss U at Miss W.

'Yung nanalo last year na si Tereza Fajksová (na hindi ko alam kung paano baybayin ang last name) ay one of the most celebrated reigns ng Miss Earth dahil kung saan-saan siya napunta upang ikalat ang pangangalaga kay inang kalikasan. Abangan natin kung saan naman ililipad si Alyz ng korona niya.

4 comments:

  1. Teh, next week pa Miss International 2013 so sa Miss Universe at Miss Earth pa lang sila nanalo sa international competition at hindi twice nanalo last month like you mentioned in your article.

    ReplyDelete
  2. Teh 12:44,

    Teh, MISTER International ang minention niya hindi MISS International. Uminom ka na teh ng optein at ang labo na ng paningin mo.

    Nagmamahal,

    Teh Adoracion Magnifica Palma

    ReplyDelete
  3. pls gawa k din ng blog tngkol sa los viajeros ng eat bulaga.

    ReplyDelete
  4. teh mister international po. not ms intl napagwagian last month.

    ReplyDelete