Thursday, December 19, 2013

Ikalima

I can't contain this feeling! I'm so happy for Bea Rose Santiago dahil siya ang ikalima nating Miss International. Isa siya sa todong betchikels ko sa Binibining Pilipinas Gold dahil ramdam mo ang determinasyon niyang manalo. Samahan mo pa ng kagandahan ng mukha, seksing katawan, eloquence sa tuwing ini-interview at umaapaw na personality. May nakapagsabing very humble at down to earth ang karakter ng reynang ito kaya naman biniyayaan ng korona, kapa, banga at plake noong December 17 sa Japan. Truths na may kasamang banga sa premyo. Check niyo 'to oh...

'Wag naman sanang si Undin ang nasa loob. CHOS!
Idineklarang first runner-up ang pageant veteran na si Nathalie den Dekker of The Netherlands (Miss Universe 2012, Miss World 2012, Miss Supranational 2010, Miss Tourism International 2010) at second runner-up ang candidate from New Zealand na si Casey Radley. Ang sipag ni ateng Nathalie huh! Parang mga male bikini contestant lang sa 'Pinas.

Miss International 2013 - Philippines (middle)
1st runner-up - Netherlands (left)
2nd runner-up - New Zealand (right)
Pangatlong korona na natin ito mula sa lima sa pinakamalalaking pagandahan sa mundo. Aba wala pang ibang bansa na nakakagawa niya kaya dapat i-celebrate ang kanilang pagkakapanalo. Wish ko lang na makita ko sa isang pictorial siya Mutya, Megan at Bea. Sana pumayag ang kani-kanilang international directors. Bonggang tatak 'to sa kasaysayan ng Pilipinas kaya sana maganap. 

1 comment:

  1. yes ang mga pilipino gyon prang ns cloud 9. alam ng buong mundo n ang kababaehan ntin ay isang kasamabahay lang ng iba ibang bansa ngunit may ntatago plang may plang ganda. sa totoo lan ang predict q ang mga candidata natin pilipina ang mgiging katungali ng venenzuela usa etc. hindi sa aking ganda ang ipinanalo kundi sa kanilang karisma at kgandahan asal

    ReplyDelete