Wednesday, December 11, 2013

Hinaluan

This year marks my 7th year in the call center industry. Ilang libong Amer'kano na-elyahan sa masarap kong boses. CHAREEENG! Kahit busy-busyhan at pagud-paguran ang kumayod sa gabi, witey ko pinalagpas panoorin ang pelikula ni Pokwang as Call Center Girl.

Call Center Girl (2013)
Star Cinema and Skylight Films
Directed by Don M. Cuaresma
Written by Kriz Garmen, Hyro Aguinaldo and Enrico Santos
Starring Jessy Mendiola, Enchong Dee, K Brosas, John Lapus and Pokwang

Si Teresa o Terry (Pokwang) ay pangkaraniwang Pilipino na nangibang bansa at iniwan ang pamilya para sa mas magandang kinabukasan. Lumaki ang tatlong junakis na 'di siya nakapiling pero isa lang naman ang matindi ang tampo, si Reg (Mendiola) na isang call center agent na may jowang titser. Bet nilang mag-UK pero wala pang pang-placement fee worth 150k. Todo sikap si babae not knowing pamilyado na pala si lalaki.

Nalaman ni Terry ang plano niya at para makatulong ay namasukan siya sa call center not knowing na doon din pala nagtatrabaho ang anak. Sa floor na sila nagkaalaman at nasa iisang team pa. Saksakan ng sungit ang TL nilang si Vince (Dee) dahil lublob sa problema sa pamilya at lovelife. Nakahanap ng mother figure kay Terry na hinaluan naman ng malisya ng mga kaopisina. Hanggang diyan na lang 'yan kasi parang maikukwento ko na ang buoung pelikula.

Tomjuts na kami
Kasama kong nanood sina Lenny, Vanessa, Kaye at Jamie, mga kaibigan ko sa dating call center na pinagtrabahuhan ko. Puno ng tawanan sa sinehan sa kung anu-anong pinaggagagawa ni Pokwang makabenta lang sa telepono. PAK na PAK ang mga eksena dahil makatotohanan at talagang nangyayari sa loob ng call center; masungit na TL, walang benta, maya't mayang team meeting, theme day etc. Pati ang lunch na instant noodles eh nakuha nila.

Hinaluan ng konting drama ang istorya at ifernezzz kay Pokie, may ibubuga. Nakaka-insecure ang kakinisan ni Jessy Mendiola. Ma-achib ko kaya 'yun kung lalamon ako ng Spicy Chiken Berger? CHAR! Dito ko lang din napagtanto ang kasarapan ni fafah Enchong Dee. Todong nakakatawa ang eksena kapag kasama si K Brosas na dinagdagan pa ng punchlines ni John Lapus. Talaga nag-e-exist ang mga karakter nila sa totoong buhay call center.

Rating: 5/5 stars

10 comments:

  1. Enjoy na enjoy din ako sa movie na itey, tama ka kuhang kuha ang mga ganap sa totoong call center - cguro taga call center ang nag sulat.

    Ang yummy ni Enchong - lalo na sa beach! Sana TL ko sya malamang never ako nag absent hihihi :)

    ReplyDelete
  2. Teh Melanie, kapag nag-red dress ka at rumampa sa McDo eh si Jessy pa ang mahihiya sa iyo. Ang ganda mo kaya!

    ReplyDelete
  3. for me ateng melanie, corny sya. kulang na kulang sa patawa.

    ReplyDelete
  4. Napanoud ko lang to kahapon mag isa. Gusto ko ulit panoorin. Hehehe.. Parang gusto ko mag call center agent ulit.


    Gelo

    ReplyDelete
  5. -Teh ZaiZai, ako rin! Palagi siguro akong magshi-shinger sa ilalim ng station kapag siya TL ko. CHOS!

    -Teh Anonymous 1, kaya nga iniiwasan ko munang isuot ang pulang blusa sa aparador at baka mawalan ng career si Jessy 'pag nagkataon :P

    -Teh Anonymous 2, ay ganun ba? Sige watch pa tayo ng ibang comedy movies :)

    -Teh Gelo, basta napasaya ka, pwedeng ulit-ulitin!

    ReplyDelete
  6. 'Te Melanie 'kaw ba yung nasa Megamall kahapon (December 11, Wednesday) na nakasuot ng blue/black with matching backpack?

    NA-STARSTRUCK LANG AKO! Hahaha. Nahiya naman akong lumapit dahil baka nagkakamali lang ako. Tsaka nasa escalator ka nung nakasalubong kita. Paakyat ka't pababa naman ako. Teleserye ang peg diba? Hahaha! ANG BONGGELS MO LANG SA PERSONAL GURL!

    MORE POWER!

    ReplyDelete
  7. Pahingi nman ng tiket pra mapanood q kc ang pambili q ng tiket binili q ng bigas..

    ReplyDelete
  8. Hi Binibining Melanie,
    Ask ko lang po sana if may ide ka po kung saan makakabili ng DVD ng I Luv You, Pare ko ni Rocco Nacino at Rodjun Cruz? Thanks.

    ReplyDelete
  9. -Teh Lagalag ng Megamall, ako nga 'yun ateng! Pakalat-kalat ang byuti ko KALOKA!

    -Teh Anonymous 3, sayang ateng kasi 'yung sukli eh ibinigay ko na kay boylet. BOYLET DAW OH?!

    -Teh Anonymous 4, nunca kong nakitang nakasabit ang pelikulang 'yan sa tindahan ni suki. Try mong suyurin ang Arlegui/Echague sa Quiapo at baka may masight ka.

    ReplyDelete
  10. Bb Melanie,

    Pinanood ko rin ang movie. Pampatanggal ng stress. Natawa naman ako sa mga eksena nila. Kuhang kuha nila ang buhay call center. Pero sana, mas maraming eksena sa call cewnter ang ipinakita. Kunyari na QA si Terry, na huling natutulog kaya binigyan ng DAF, nang scam ng customer, etc. Anyway, advance Mewrry XXXmas sa iyo!

    Olga

    ReplyDelete