Thursday, December 12, 2013

Appreciated

After so many months of waiting in vain for your love ay natuloy na din sa wakas ang bonggang Philippine premiere ng Ang Misis ni Meyor, ang second movie ni Archie Del Mundo (Taksikab was his first). Last night ito ginanap, December 11 sa Cinema 9 ng SM Megamall at invited ang byuti namin ni Ateh Paul.

9PM ang simula pero maaga kaming pumunta para makapag-canvass ng gifts this Christmas. Sinuyod namin ang anim na palapag ng mall (including lower ground) at 'di naman stressful kasi wala pa masyadong utaw. Rumampa din kami sa Shangri-La mall at nakasalubong si Meryll Soriano with his Italian jowa. JUICE KOH! Watering hole akez sa pagkafogi! Kaya pala blooming ang Meryll.

Balik kami sa Megamall at lumaps ng hapunan. Bago may alas-nueve ay umakyat na kami. Infernezzz madaming gustong manood. Walang paylet so kahit wala kang invite eh pwedeng manood basta pumila ng maayos. WOW! Sana laging ganito.

Present ang timeless beauties nina Maria Isabel Lopez na baklang bakla kapag nagsasalita at Miss Angie Ferro. Much appreciated ang pagdalo niya dahil kahit nakatungkod ay nakapunta. 'Di pwedeng mawala ang bida na si Marife Necesito. Sad kasi 'di nakapunta si Joem Bascon. Siya pa naman ang todong inantay ni Ate Paul. Understandable ang absence ni Marco Morales who played the mayor role kasi nasa Australia na siya. Huhuhu :'( gusto ko siyang sundan at alagaan.

Kakaiba ang indie movie na itez dahil socio-political ang tema. Napapanahon with so many corruptions here, there and everywhere. Makakarelate ang 'sangkabaklaan sa sweet moments nina mayor at driver pati na sa sexy scene ni misis kay Joem na kahit may baby fats eh ang tsalap.

Regular screening will be on December 18 at selected SM Cinemas.

5 comments:

  1. ate, pasensya na,alam ko malayo itong koment ko sa topic mo heheh eh ganun talaga, di ko kasi maisip kung anong name ng otoko na gumaganap na pulis sa teleserye na maria mercedes. knows ko may photo scandal pa yontsi eh.

    ReplyDelete
  2. bakit kaya hindi na release sa DVD yung Taksikab???

    ReplyDelete
  3. So wala talagang love scene sina Marco Morales at Johnron Tanada! Haay..not worth the money.

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous 1, naku 'di ko noseline kung sino ang otoks na tinutukoy mo. Mapanood nga 'yan.

    -Teh Anonymous 2, oo nga eh. Sayang kasi ANSARAP ng director's cut niyan.

    -Teh Anonymous 3, may sweet moments naman sila. Baka 'di na maipalabas sa SM kung may kangkingan scene eh.

    ReplyDelete
  5. si cedric yon ate ang pulis pangkalawakan

    ReplyDelete