Wednesday, January 14, 2015

Isiningit

Umandar na naman ang pagka-epal ng mga pulpolitikong Pinoy. Pati si Pope Francis hindi pinalagpas. Hindi na nahiyang itabi ang mga fes nila sa tarpaulin na nakasabit kung saan-saan. 'Yung isa kasama pa si misis and his constituents. May isiningit pang passport fecture sa kanan. NAKAKALOKA! 

Images courtesy of Bayan Mo, Ipatrol Mo
Next year na ang eleksyon at todong kina-career na talaga ng mga aspiring politicians at re-electionists ang maagang pagpaparamdam. Piyesta, graduation, Pasko, Holy Week, first day of classes at lahat na ng special holidays sa kalendaryo may pa-ganyan sila. Naaalala ko nga, pati Valentines day hindi nakaligtas. Pero sana naman hindi na nila dinamay ang Santo Papa sa pinaggagagawa nila.

Gawin bang acronym ang pangalan ahahaha!
Si Pope Francis nga, pinatanggal ang tarps niya sa Tacloban kasi hindi naman daw siya ang bonggang star nang pagbisita niya kundi ang ating Ama. Kung ganyan sana mag-isip ang mga ungas na 'to! Kaya lang hindi. Ke shushupal ng fes! Take advantage porke madaming makakakita. Eh saan ba nila kinuha ang budget sa pagpapagawa niyan? Ay! Wit ko alam. Baka donation. CHAR!

Kung konsehala si Patsie, ano naman si JC?
Kung tunay nga silang Kristiyano, sana ma-inspire sila sa sinabi ni Pope Francis. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nakita niya ang mga imaheng 'yan habang nasa motorcade siya? Ganito na ba tayo mag-welcome ng bisita sa Pilipinas? Is this the new hospitality of the Filipino people? If so, please take me to the hospital 'cause I can take this no more!

6 comments:

Christopher Rabanal said...

Naku isang malaking check yan best... Mga kurap kasi.. Kaya nagpapaalala na sila ng pangalan para sa botohan...

AnonymousBeki said...

Kaimbyerna nga ang mga ganyang view, ang sakit sa mata. Nakakahiya naman kay Pope Francis. Sana mapatanggal din ang mga tarps na ’yan tulad ng sa Tacloban.

Anonymous said...

dapat hindi iboto!

Anonymous said...

tamaaaaa! Tandaan ang fes ng mga damuhong yan at wag iboto!!! Mga mapagkunwari! Mapag imbabaw! Charaught

Anonymous said...

nakakaimbey tlga yang mga yan!

Anonymous said...

That is just too disgusting. These people are shameless. Sa Pinas talagang pakapalan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...