Tuesday, January 27, 2015

Salamat 4.0

Hindi ako mapakali habang nasa MRT kaninang umaga dahil sa Miss Universe. Wala akong data connection to check the live updates sa social media kaya atat na atat ang tapur kong makarating ng opisina para mag-internet. Wish ko lang hindi ako mahuli ng IT for visiting non-work related sites.

Pagkaupong-pagkaupo, binuksan ko agad ang Missosology at nakahinga ng maluwag dahil pasok sa top 15 si MJ. Tulad noong 2013, pasok din sina India at Indonesia. Walang black beauty na nakapasok. Sayang kasi ang gaganda pa naman nina Guyana, Haiti at Ethiopia. Balik trabaho muna at mahaba pa ang tatakbuhin ng pageant.

I know na papasok sa top 10 si MJ dahil confident ako sa SS preliminary performance niya. 'Di nga ako nagkamali. Siya na lang ang natirang Asian. Sumunod ang Evening Gown. Madalas kong marinig na it's not about the gown, it's how the person carries it. Well hindi sa lahat ng pagkakataon. Beauty pageant ito! Dapat pabonggahan sa design at rampahan. Wala akong masabi sa rampage skills ni MJ pero kahit ni-redesign ang Barraza gown, ang chaka pa rin!

Eto may unconfirmed na tsika, dapat daw ay isang pink Leo Almodal creation ang isusuot ni MJ. During the final rehearsal, nakita ito ni Madame at sumugod sa backstage. Dito niya tinalakan si MJ at ipinilit ang white gown. If ever na may bahid katotohanan itech, I salute MJ for at least trying to wear a Filipino made gown kahit sa rehearsals lang. Again, tsismis lang itech.

Walang sinuman ang humiling na 'di makapasok sa top 5 si MJ pero 'yun na nga ang nangyari. Colombia, USA, Ukraine, Jamaica at Netherlands ang pasok! Tuluyan na akong nawalan nang gana sa trabaho. Lutang at halos wala sa sarili. Walang pake kung napansin man ng supervisor ko. Naintindihan naman daw niya dahil may friend din daw siya na 'di matanggap ang nangyari. OMG! Sakit sa puso. But I know lilipas din 'to.

And my message for you MJ, please pursue your other dreams and thanks for inspiring a lot of us. Ikaw ang nagpatunay sa mga katagang "Huwag susuko!" at "Reach for your dreams". Also, BIG HUGS for loving and giving importance to your fans. Mula 2011 hanggang ngayon, ramdam namin ang todong pagpapahalaga mo kaya maraming nagmamahal sa'yo. Maraming salamat!

God will bless you and definitely, He'll give you more than the french fries crown. Mwah!

6 comments:

  1. Go! Salubungin nnatin si Madam Stella Aranet at pasabugin ng bomba kasma yung colombian designer na barazza na yan!!

    ReplyDelete
  2. Natawa ako sa last pica. That’s exactly my thought. Naibsan kahit papano ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

    Sayang. Sayang talaga. Uber confident pa naman ako na makakapasok si MJ sa Top 5. Sa lahat ng representative ng Pilipinas sa Miss U mula 2010, si MJ pa naman ang pinaka-bet ko.

    Ang chaka talaga nung gown, pang-wedding ang peg. Kulang sa taray ang kulay at style, di bumagay kay MJ.
    Kung trulalu man ang chika tungkol kay Leo Almodal mas na-sad ako. Ang ganda kaya nung design, may maldita effect na bagay sa fierceness ni MJ.

    Sana naman gawang Pinoy na ang ipasuot next year. Wala namang alam ang Colombian o kung sino pa mang foreign designer sa kultura ng Pinoy. Kaya di niya alam kung paano mas palabasin ang Pinay beauty. Ka-imbyerna si Madame Stella! Dapat palitan na yan. Ilang dekada na tayong kinokontrol ng dayuhan.

    May tanong lang ako. Nakaapekto nga rin kaya ang Latina-look ni MJ? Di ba mas mabenta ang exotic-Pinay-look sa mata ng mga afam? Pls correct me if I’m wrong. :)

    Anyway, we still love you MJ! Alam mo yan. Mwah.

    ReplyDelete
  3. Potek na Barazza yan , if I know sinabotage niya si MJ para ung bet country niyang Colombia ang manalo ha ha ha

    ReplyDelete
  4. sayang lang talaga, kung nakapasok sya sa top 5, for sure putong puto sa kanya ang sagot. kasalanan talaga ng gown, chos!

    ReplyDelete
  5. This year's q&a has the most dumb answers. Yung gown lng ngpatalo my mj. If nsa top 5 sya im sure maning mani nya un. Isa p this year's questions are easy compared to previous years. Opinion lng po....

    ReplyDelete
  6. Check nyo yung gown during prelims before alteration. Napansin nyo ba na may certain sway yung lower part nung gown na nagbibigay ng character, bawat kembot ni MJ gumagalaw ito. Ito din yung effect ng gown ni Ara Arida last year.
    Ok yung alteration sa upper part kaso natakpan naman ng buhok ni MJ, hindi rin masyado pansin. Pero im sorry hindi talaga ako solved sa alteration sa baba. Yung mga flowerette appliques ay lalong nagbigay ng WEDDING GOWN look. Saka mayroon silang ginawa kaya di na nag sway yung lower part. Minimal na lang galaw kaya mukhang ang tigas, halos di na gumagalaw. Mukhang hinabaan din , mayextension dahil ang comment kita ang shoes ni MJ during prelims. Just my observation and hunch. Panoorin nyo and compare the gown during prelims and finals. Anyways, still proud of MJ.

    ReplyDelete