Saturday, January 31, 2015

Answered Prayer

What's the best blog to post by the end of January? Walang iba kundi ang pinakamalaking event na naganap sa buwan na 'to, the Papal Visit. I'm lucky enough to be part of this important event na minsan lang dumating sa buhay ng isang Pilipino at Katoliko.

PNoy with Pope Francis
Photo courtesy of Time
Thursday to Monday ang pasok ko sa trabaho. Sumakto sa limang araw na pagbisita ng Santo Papa. Kahit idineklarang fiesta opisyal ng gobyerno, 'di kasama diyan ang mangagawang BPO. Inggit na inggit ako sa mga sumalubong sa kanya mula airport, sa mga nakasaksi sa kanyang motorcade papuntang Manila Cathedral at SM MOA Arena. Kaya kahit 'di ako pinayagan ng bisor ko, sumige ako't lumiban sa trabaho noon January 18 to witness and attend his mass sa Quirino Grandstand. Kasama ko si super friend Chari and her relatives. Sina mama at 'yung pamangkin ko, sa UST nag-abang.

Lahat kami matiyaga at disiplinadong nag-antay
Alas-singko ang usapan namin sa LRT pero nauna siyang dumating kaya pinauna ko nang sumakay at nagkasundo kami na magkita na lang sa bababaang station. Pagdating ko ng Muñoz, nalerki ako sa haba ng pila. Umikot na sa Abra Street. Tinawagan ko si Chari at sinabing male-late akez. Then she told me na pwedeng pumasok agad ang may stored value ticket. No need to fall in line. Oh my! Meron ako niyan. Tama nga siya dahil ilang minuto lang after namin mag-usap ay nakasakay ako. Nagkita kami sa Vito Cruz station. Naglakad kami papuntang Quirino Avenue cor. Singalong St. dahil dito daw dadaan si Pope papunta sa UST. Mahigit dalawang oras kaming nag-antay pero nadismaya lang dahil nasa loob ng black car si Pope. Ambilis pa ng takbo. Though disappointed, 'di naman ako nawalan ng pag-asa na makita siya. Kahit isang beses lang. After that, alay lakad kami papuntang Luneta.

Selfie muna with our raincoat
Pagdating pa lang ng UN Avenue, maloloka ka sa dami ng tao at haba ng pila. Dito na nagsimulang pumatak ang ulan. Nasa may bandang kaliwa kami dahil sa Orosa Street daw ang entrance. Ang ambon ay tuluyan nang naging ulan. Sanay na ako sa siksikan salamat sa karanasan ko sa MRT kaya keri lang ang matinding gitgitan ng mga utaw. Eto 'yung literal na 'di mahulugang karayom levels dahil basa man kami sa ulan, tuyo naman ang lupa sa dami namin. Eto ang aerial view ng lugar...

Image courtesy of Yahoo! News
Sa (1) ang stage kung saan magmimisa si Pope Francis. Sa (2) kami nagsimulang pumila usad pagong kami hanggang sa (3). Dito kami nagkahiwalay ni Chari. Kahit saan ako lumingon, hindi ko na siya makita. Chari nasaan ka ba?

Sa kakalingon ko, natanaw ko na wala namang nagsisiksikan sa (4) kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya para makatawid dito. May nagalit pa nga dahil natamaan ng bag ko. Nagpasensya naman akez. Nakarating ako sa gilid ng monumento ni Rizal pero may harang. Paano ako lalampas? Paglingon ko sa kanan bandang Chinese Garden eh wala masyadong tao. Hala sige lakad lang hanggang sa makarating ako malapit sa Manila Hotel (5). May harang na net pero nakita ko na may nagbaba nito at ang daming dumadaan na tao. Nakisabay ako. Pagbaba ko, may harang na bakal at semento naman. Ayaw kong panghinaan ng loob. 'Di pwedeng 'di ako makarating malapit sa (1) kaya lakad pabalik sa gitna (6). Dito ko nakita ang dalawang pila ng pulis kung saan pwede kang dumaan sa gitna nila. Wala masyadong tao. KALOKA! Nagsisiksikan sa kaliwa eh ang luwag pala dito sa gitna. Pag-akyat ko sa Quirino Grandstand, nagpaikot-ikot muna ako kung saan pwedeng pumwesto. Sobrang dami ng tao. Pamilya, magkakaibigan at magkakakilala. Ako lang yata ang nag-iisa. Hanggang sa nakakita ako ng perfect place sa (7).

Ayun! Ang lapit lang ng stage
Alas-dies kami nagsimulang pumila sa (2), pasado ala-una ako nakarating sa (7). Halos tatlong oras din 'yun. Basa sa ulan, pagod sa kakalakad isama mo pa ang gutom. Pinigilan kong lumaklak ng tubig at sobrang haba ng pila sa portalet. Inom manok lang ang ginawa ko.

3:30 PM ang schedule ng misa niya. Naupo muna ako sa supot habang kumakain ng cupcake at muncher. 'Di ko mailabas 'yung sandwich na dala ko dahil sa patuloy na paglakas ni Bagyong Amang. Kahit na nakakapote akez, nababasa din ako sa loob dahil sa nagmoist ito sa lamig. 'Yung iba, nagkasya sa sako at plastic panangga sa ulan. Nangingig na sila. Kapag nagpayong ka, sisigawan ka ng tao dahil bago pa man dumating ang Santo Papa ay mahigpit na ipinagbilin na bawal magdala nito. As usual, may pasaway pa rin,

Bago mag-alas tres ay nag-flash sa LED screen ang simula ng motorcade ni Pope Francis papuntang Quirino Grandstand. Hiyawan ang mga tao. Lahat nakaabang sa kanyang pagdating. Oo nga pala, dun sa nag-bash sa host ng misa, actually wala kaming naramdamang pangit sa ginawa niya. He did all his best to entertain at abalahin ang tao. Umuulan noon so kailangan ng distraction ng madlang people. Iba lang siguro ang dating sa TV. Pero he really did a great job!

Habang papalapit si Pope, pataas ng pataas ang excitement ng mga tao. Nagsitaasan ng kanilang mga Santo Niño at nag-cheer. Sinulog Festival din kasi. Oh my! Eto na nga! Si Pope dumating na!

Iba 'yung pakiramdam nung nakita ko siya sakay ng Pope mobile at nakasuot ng kapote. Halos maiyak ako sa tuwa dahil matapos ang hirap na pinagdaanan ko makarating lang sa pwesto ko, heto siya sa tapat ko. Kumakaway sa lahat ng tao. Nakangiti at halos walang kapaguran. Mararamdaman mo 'yung sincerity of his happiness to see millions of Filipinos. Nakakahawa! Nakakaiyak! I don't even want to use my camera kasi I want to treasure this moment in my mind. Minsan lang 'to. And to my surprise, sa area din namin siya dumaan pabalik ng stage. OH MY! Dalawang beses ko siyang nakita ng malapitan. SALAMAT PO!

Si host, walang havs kung magsisigaw ng PAPA FRANCISCO, MAHAL NG PILIPINO! Everyone seems to enjoy the moment. Walang KJ. Walang basher. Pero lahat natahimik sa pagsisimula ng misa. It was very Filipino. Halo-halong lengwahe ang ginamit mula sa awit hanggang sa pagbasa. Pope Francis tried his best to speak in English, and we truly appreciate it. Nakakaiyak ang pasasalamat ni Archbishop Tagle. The Pope was smiling while he was listening. Halos dalawang oras ng itinagal ng misa.

Hindi muna kami pinauwi ng host dahil may second round pa daw ang pag-ikot ni Pope. Lahat hiyawan at tila ba walang sawa na makita siya. This time, I recorded a video to share with all of you.


We all thought na derecho uwi na siya but NO! Isa pang sorpresa dahil dadaan siya pabalik sa area namin. So that'l like 4 times ko siyang nakita! I can't help but to smile and cry dahil ang prayer ko lang noong una ay makita siya kahit isang beses lang. God gave me the chance to see the Pope more than once, so I am truly blessed that day. Instant ang pagdinig sa panalangin ko. Muli, maraming maraming salamat po!

Lahat ng nagkawalaang magkakasama ay pinapupunta sa Police Station 5 para magkakitaan. Pumunta ako baka sakaling andun si Chari. Ang signal na nawala ng ilang oras ay nagbalik na. I called her immediately to know her whereabouts. Umuwi pala sila noong nagkahiwalay kami. Basang basa na daw kasi ang mga tita niya sa ulan at hindi na rin sila nakalapit. Nawala rin daw ako sa paningin niya. And I told her what happened to me. She was very very happy!

Selfie muna ulit. 'Wag kayo maumay please...
Nalimas agad ang tao malapit sa stage and I took advantage of it. Sumelfie muna at nilitratuhan ang mahahalagang bagay na ginamit sa misa.

Ang Santo Niño na ginamit sa misa
Ang nakaukit sa upuan ni Pope Francis
Binalak ko sanang mag LRT pauwi pero grabe ang siksikan ng tao. Naglakad ako sa kahabaan ng UN Avenue hanggang sa makasalubong ng jeep pa-Sta. Mesa. From there eh nag-taxi na ako pauwi.

Ilang memorabilias na nabili ko sa daan
January 18, 2015 is definitely one of the most memorable days of my life. I will never forget this day and I will always be thankful for my answered prayer.

5 comments:

  1. habang may buhay may pagasa... makikita ko din si Pope one sweet somedat.. who knows i might be able to play violin for him...

    ReplyDelete
  2. Sayang malayo ang Manila sa amin. Gusto ko din sana siya makita in person. Pero keri na rin dahil meron namang tv.

    Nangingilid talaga yung luha ko every time na nakikita ko siya sa telebisyon and I can't explain why. The feeling was very undescribable. Tumatagos ang aura niya sa tv at nakaka-goose bumps especially nung siya ay nagmisa. Even though he is using a different language somehow my heart understands what he was saying. Even if he never said “I love you”, in his smile you can already feel his love for the Filipinos. I feel so blessed :)

    ReplyDelete
  3. gusto ko din sana pumunta nuon sa Luneta mass niya kaso dahil sa busy work ay di ako nagkaruon ng chance ... sayang I miss half of my life dahil dito ... but maybe someday ay makita ko siya mismo sa Vatican he he he : )

    ReplyDelete
  4. -Teh yujin, oh yes! I'm sure he'll be proud of you ;)

    -Teh AnonymousBeki, he is so sincere that's why minahal natin siya agad. And I looove what you said ♥

    -Teh Edgar, malay mo sa Vatican na pala ang next rampa mo. PAKAK!

    ReplyDelete
  5. Ateng Melay! Ngayon ko lang nabasa itey. Sobrang natutuwa ako sa naging karanasan mo kay Pope Francis! Sobrang saya diba ng pakiramdam. As in nawala ang pagod, puyat at gutom sa paghihintay after mo siyang makita. Sa UST naman ako nag-abang teh dhail di ko keri sa Luneta dahil majubis akez.
    Napatunayan ko na kahit beki tayo sobrang love tayo ni Lord. Marami mang pagsubok ay hinding hindi niya tayo iniwan. Lagi nating nalalampasan ang balakid at problema. Nagdagdag pa siya ng bonus dahil pinadala niya si Pope Francis upang tayo'y mainspire. Its once in a lifetime ika nga dahil di naman lahat afford pumunta ng Roma.
    Saludo ako sa yo ateng at mga kapwa nating beking malakas ang faith!

    ReplyDelete