Wednesday, January 21, 2015

Binudburan

My Name is Kim Sam Soon
Hook na hook ako sa replay ng My Name is Kim Sam Soon. 'Di ko ito masyadong napanood noong unang airing, which I think 10 years ago na ang nakararaan. Ilang beses nang na-replay sa TV at nagkaroon pa ng bonggang Filipino version with Regine Velasquez and Mark Anthony Fernandez playing the lead roles.

Relatable si Sam Soon AKA Hannah Kim dahil walang fancy clothes, heavy make up, finesse at kaartehan ang role niya. Simpleng mamamayan tulad natin - naghahanap ng trabaho, bitter sa ex-jowa, unassuming, mahilig mag-imagine at palaging tinutukso. Though marami siyang imperfections, imbes na mainsecure eh mararamdaman mo na tanggap niya eto at dito nanggagaling ang strength ng character niya. Ang lalim naman ng assessment ko sa kanya. Ako na ang psychologist ahahaha!

Sam Soon and Cyrus
Sa teleseryeng Pinoy, madalas na saksakan ng ganda at pogi ang mga bida. Ang mga chaka ay ginagawang bestfriend o palamuti sa background. Kaya minsan, todong nakakaintriga kapag ang bida ay majubis at chaka. Diyan magaling ang Koreanovelas. Babawiin nila sa ganda ng istorya na binudburan ng aliw at nag-uumapaw na kilig.

Mapapanood ang My Name is Kim Sam Soon weekdays sa Afternoon Prime ng GMA 7.

4 comments:

  1. ang gusto ko sa Filipino version ng My name is Kim Sam Soon is yung lines na pinoy touch at yung pagganap ni Ms Tessie Tomas at si Mel Kimura (?~ basta name nya si Nieves) haha. Nakakatawa ha at yung theme song na Maybe It is You... tinugtog ko one time yun sa violin

    ReplyDelete
  2. panoorin mo rin sa youtube ateng yung She's On Duty, ganyan din ata katawan nya, at funny ang story. maganda.

    ReplyDelete
  3. Chrue. Dito sa Pinas number one reason kung bakit patok ang isang pinoy teleserye ay dahil sa mga artistang gumaganap. At ang istorya ay base rin sa kagustuhan ng manonood.

    ReplyDelete
  4. -Teh yujin, swak na swak si Ate Reg sa role ni Sam Soon.

    -Teh Anonymous 1, napanood ko na 'yan! Nakakatawa nga 'yan sobra.

    -Teh AnonymousBeki, KURAK! Or else mangungulelat sa ratings amp!

    ReplyDelete