Saturday, March 27, 2010
Palay
Nakakainis ang mga taong di makatingin sa iyo para sabihin ang gusto nila. Pinaparating ba sa ibang tao. Kaya tayo nag-aral ng matagal ay para matutunan natin kung paano makiharap sa iba't ibang klase ng tao. Kung malakas man ang personalidad nila o mahiyain, alam dapat natin ang tamang paraan kung paano sila kakausapin bilang isang edukadong tao. Sa ginawa mo, hindi ka lang napahiya sa akin kundi sa sarili mo. Paano pa kaya yung ibang tao na hindi mo kilala at pinapakiramdaman mo lang. Hindi kaya ang natutunan mo ay ang pagiging mapagpanggap sa halip na maging totoo. Mahirap mabuhay sa ganyang sitwasyon. Hindi mo lang pinapaliit ang mundong ginagalawan mo kundi pati na rin ang mga taong nakakasalamuha mo. Kung may problema ang isang tao, sabihin mo. Hindi ka nilagay sa posisyon na iyan para lang sa pangalang ikakabit sa iyo kundi naniwala sila na may kakayahan kang magpagalaw ng tao.
Magpagalaw hindi magpaikot. Magkaibang bagay iyon.
Hindi ka ba nanliliit kapag nakikita mo ang mga taong sa tingin mo ay naniniwala sa iyo pero ang nasa isip pala nila ay wala ka rin palang magagawa. Maraming paraan para ang isang punla na iniatas sa iyo ay umusbong na parang pananim. Ika nga nila "Kung anong itinanim, siya ding aanihin". Kung ang itatanim mo ay kabutihan, ang aanihin mo ay ikauunlad ng sangkatauhan. Hindi kailangang gayahin ang nakagawiang alam naman natin na hindi epektibo at maraming umaalma. Lumapit ka sa amin. Kausapin kami. Hingin mo ang opinyon namin sa mga bagay bagay na magpapaunlad ng mundong ginagalawan natin. Isama mo ang maliliit na tao sa paligid mo nang sa gayon ay maging matatag ang isang desisyon na magagawa mo.
Hindi ako perpekto at alam kong maaring sabihin nang iba na wala akong karapatan para sabihin ang mga bagay na ito. Pero kung makikinig ang isang tulad mo sa maliliit na boses na tulad ko, malaking bagay ang magagawa nito hindi lang para sa iyo kung para sa mundo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kalbo ba 2? kilala ko ba 2? hehehe
ReplyDeletenako, nagkakamali ka...
ReplyDeleteat sino nmn yan??? hahaha! kaloka!
ReplyDelete