Sa susunod na buwan ay mapapanood na natin ang
Misis ni Meyor, ang bagong handog ng
Taksikab director na si
Archie Del Mundo. Tungkol ito sa babaeng aktibista na namatayan ng asawa at nagpakasal sa isang politiko para maghiganti.
OHA! Todo seryoso ang tema pero 'wag ka, makakarelate pa rin ang 'sangkabaklaan sa istorya. Kung paano, hayaan niyong magsalita ang larawang itech...
AYLABET! Back to movie making si fafah
Marco Morales. At ang kaloving-loving niya eh ang equally delicious na si fafah
Johnron Tañada.
NAKAKA-EXCITE!!! Hindi lang 'yan ang dapat niyong abangan dahil magtatagisan din sa pag-arte ang mga mujer sa pelikula. Ang fave
Bb. Pilipinas-Universe ko na si
Maria Isabel Lopez at ang malufet na amo ni
Ate Guy sa
Atsay na si
Angie Ferro. Oh? Iniisip niyo ba kung sino sa kanila ang misis ni meyor? Pwes, wala sa kanila dahil siya ang gaganap sa papel na iyon...
Kung witit niyo siyang noseline, let me do the honor in introducing her (tama ba ang Ingish ko?). Siya si
Marife Necesito, isa siyang theater actress at kasama din sa cast ng Taksikab. Ang pinakabonggang info about her, nakipagtagisan lang naman niya ng aktingan kina
Gael Garcia Bernal at
Michelle Williams sa international film na
Mammoth. Ibang level ang lolah niyo!
All-star cast ang pelikula dahil bukod sa aking mga nabanggit, kasama din dito ang pagkasarap-sarap na si
Joem Bascon. Balita ko eh may pinakita siya dito. Ano kaya 'yon? Secret muna. Saka ko na babanggitin hihihi
☺
Watch natin ang trailer...
Showing on April 17 at select movie theaters nationwide.