Violett Films Production
Written and Directed by Jose N. Carreon, DGPI
Starring Mark Gil, Mark Anthony Fernandez, Emilio Garcia, Brando Legaspi, Richard Quan, Pinky Amador and Gary Estrada
Si Tata (Mark Gil) ay manager ng Ark Dancing Hall, cabaret sa isang baryo at pamangkin niya ang reporter na si Marty (Mark Anthony Fernandez). Todo kwento siya sa dito ng magaganda at chakang karanasan ng kanyang mga alagang belyas.
Si Nanay Nati (Pinky Amador) ang tagabitbit ng mga sariwang belyas mula probinsya. Siya din ang tumatayong mayora tuwing gabi. Anak niya si Iris na pangarap maging belyas. Ayaw niya mangyari iyon kaya sa tuwing nahuhuli niya itong nag-aayos belyas, high-blood ang lola niyo.
"Sasabay ako sa'yo pero sagutin mo muna ang tanong ko. Para sa iyo, ano ang babae?" |
Parang magda-dalawang oras ang tinakbo ng pelikula. Ang daming tinalakay at halos kinumpleto ang detalye. Walang pinalagpas sa buhay ng mga belyas. Bongga din sa dami ng cast. Mga batikan at umaarte. May budget ang produ! Fail nga lang sa mga belyas dahil isa lang sa kanila ang kahit papaano eh marunong umarti at si Sofia Valdez 'yon.
Rating: 2/5 stars
No comments:
Post a Comment