|
Press statement of Nora Aunor regarding National Artist issue |
Emosyonal pa ang lahat ng
Noranians dahil sa todong pagkaka-etsapwera ni
PNoy sa nag-iisang
Superstar sa listahan ng mga bagong proklamang
National Artist. Kahit ang ating idolo ay hindi naitago ang pagkadismaya pero pinili na lamang niyang tanggapin ang nangyari. Masaya siya kahit papaano dahil hindi lamang siya supurtado ng kanyang mga fans kundi pati na rin ng kapwa niya artista tulad nina
Maricel Soriano at
Robin Padilla.
Sa ganang akin lang, hindi dapat naging batayan ang isang pagkakamali niya sa dami ng kanyang naiambag sa larangan ng pag-arte and that's a
#fact.
Ambigat ng balitang 'yan kaya bonggang news muna tayo mga ateng. May libreng pa-sine ang
Cinema 1 in time for their
20th anniversary sa piling
SM Cinemas in the metro. Exclusive 'to sa lahat ng
Sky Cable subscribers. Ang kailangan lang eh magdala ng latest Sky Cable bill at pruweba na ito'y bayad na. 'Di pwede ang mga past due at nakikijumper ahahaha!
Isa ang
Himala ni
Ate Guy sa pwedeng pagpilian. In HD version 'yan kaya malinaw na malinaw niyong mapapanood ang klasikong pelikula na kahit tatlong dekada na ang lumilipas ay pinag-uusapan pa rin.
Ngayong weekend na 'yan,
July 5 & 6. Visit the official
Facebook page of
Cinema One for more information.
baka kung kelan dedbols na si ate guy tsaka hihiranging national artist.
ReplyDeleteNakasasama naman talaga yung ginawa nila, yung feeling na pinaasa ka. Hindi naman batayan ang pagkakamali niya sa husay niya, at alam ko na nagbagong buhay na siya. Nakilala ang galing ng Pinoy sa buong mundo dahil sa kanya, at ngayong naitsapwera siya, parang wala tayong utang na loob.
ReplyDeleteBb Mela ie,
ReplyDeleteIsa po akong TRUE BLOODED NORANIAN, ;)
Olga Luxuria
Masyadong big deal ba yan para gawinh national issue? mas type ko pa yung news about sen. Miriam santiago having a stage 4 cancer. I wish her well, magagamot pa naman daw. Gosh
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, 'yan din ang iniisip ko. Huwag sanang mangyari.
ReplyDelete-Teh AnonymousBeki, mas matimbang pa rin ang karangalan ni Ate Guy kesa sa personal niyang pinagdaanan.
-Teh Olga, APIR tayo diyan! PAK!
-Teh Anonymous 2, both women deserves national attention :)
Nakakahighblood nga naman si PNoy!
ReplyDeleteHindi naman convicted si Ate Guy kaya walang karapatan si PNoy na alisin ang nagiisang superstar sa listahan ng mga bagong Alagad Ng Sining!
For me, hindi big deal kung naitsapwera si ate guy kasi nga drug addict sya. Nkakahiya. Isang nationl artist pero addict.very simple logic. Pwede siya best actress, pero national artist? I dnt think so.
ReplyDeletesabi nga nga balita, di convicted. and even if convicted siya, napatawan na nman siya ng tamang parusa, kumbaga pinagbayaran na niya so she has every right like any normal citizen.
ReplyDeleteanong mensahe ba gusto ni Abnoy, na once magkasala, di na pwede magbago at magpakabuti. kung yun simbahan nga, ginagawang santo yun iba na naging makasalanan dati ngunit narealize and tunay na tamang daan.
Gusto ata ang national artist eh role model din which may pagkasablay si ate guy. Ang inilalabas nilang sablay kay ate guy yung pagdodroga nya dati, pagiging sugarol at isang chain smoker.
ReplyDeleteyun 'drug conviction' daw lng ang sinabi ni pnoy.
Deletebesides pnoy is also a chain smoker, does it mean di rin sya magandang role model .
Maingay lang ang diehard noranians na siguro around 200. but i believe the silent majority agrees with PNoy's decision. Dapat ang national artist worth emulating din sa kanilang personal life. In Nora's case, drug user, alcoholic at gambler sya. D karapat dapat! Best actress sa famas yan pwedeng pwede!
ReplyDeletealso ano ba naman ang body of work ni Nora na talagang outstanding at work of art....Himala, Tatlong Taong Walang Diyos, maybe around 5 to 7 lang naman. Majority of her work are commercial films with no outstanding artistic merits. Remember Guy and Pip, Teenage Musical Idols, etc.
ReplyDeleteShe is no doubt a good actress but to be a National Artist on the basis of her body of work????
hmmm...those in the selection panel seems to disagree coz she gannered the most number of votes. di nman basta basta yun mga bomoto. besides even Pnoy said that he has high regards with the body of works of Nora kaso sumablay lang sa kanya coz of the supposed drug conviction kaya di approved ni Pnoy.
ReplyDeleteat tingin ko di nman necessary na dapat super dami body of works para manominate. even if its only one work to sobra nman ang impact, it would be enough.
just to be clear. im not a nora aunor fan. im just an objective observer giving an opinion. ang dami kse nadadagdag at sinasabi.
anyway, lets move on na sa issue na ito.