Monday, April 1, 2013

Tisod

Second quarter na agad ng 2013 at nakakaloka ang todong init na hatid ng tag-araw. Sarap maglunoy sa dagat at isuot ang paboritong swemsut. Bet kong mag-one piece ala-Rachel Lobangco. 'Yung high cut para sight ang singit. Maglalakad sa buhanginan, ilalatag ang tuwalya, uupo tsaka magpapahid ng tanning lotion habang nililipad ng hangin ang aking crowning glory. Dadaan ang mga boys at hindi nila maiiwasang ako'y lingunin. Ngingiti ako at sila'y mahihimatay sa taglay kong kariktan. OHA! Lakas tama lang!

Pero hindi biro ang temperatura ngayon. Alas-nueve pa lang ng umaga pero mala-impyerno na ang init. Dapat laging may bitbit na tubig para ma-hydrate ang natutuyong wankata. Mahirap na't baka atakihin tayo ng heat stroke. Traidor ang sakit na 'yan! Kung ang tinitirhan niyo eh walang kisame at diretso bubungan agad, JUICE KOH pumunta ka na lang sa SM at magliwaliw. Libre air-con with matching tingin sa boys. Isuot ang pinakatago tagong diamond-studded kepyas shorts, ternuhan ng pastel-colored razorback at magsapin ng thick Havayanas. Isukbit ang bulaklaking shoulder bag at saka magpabalik-balik sa loob ng mall. Summer na summer ang outfit! Pwede na akong maging fashion expert. CHAREEENG!

Don't forget na magdala ng payong panangga sa harmful UV rays. Magpahid din ng sunblock with highest SPF ever. Huwag papayag na si La Greta lang ang young looking. At hindi na yata mawawala sa uso ang bubuyog shades. The bigger, THE BONGGA! Para kalahati ng fes, may takip. Mas mainam din kung iiwas muna lumabas mula alas-dies ng umaga hanggang alas-tres ng hapon tutal wala namang ohms sa daan. Sa gabi na lang tayo rumampa. Baka sakaling maka-tisod pa ng masaraaaap na "hapunan".

1 comment: