Tagumpay ang mga ateng natin sa tate dahil bukod sa legalidad ng same-sex marriage sa ilang estado, magkakaroon na rin sila ng bonggang benepisyo at suportang pampinansyal mula sa gobyerno.
PANALO! Samatalang dito, ngumangawngaw ang
CBCP dahil sa
My Husband's Lover. Witchells naman kasi natin maikakaila na malaki pa rin ang impluwensya ng relihiyon sa atin. Marami pa rin ang konserbatibo ang pananaw sa kung ano talaga ang konsepto ng isang relasyon.
Isantabi muna natin ang usapin na 'yan at pagtuunan natin ng pansin ang kontrobersyal na litrato na ipinost ni
Isabelle Daza sa kanyang
Instagram account...
Alam nating maganda ang nais iparating ng salitang
equality o pantay na pagtingin ng lipunan sa boy, girl, bakla't tomboy pero bilang miyembro ng ikatlong sekswalidad, ako'y todong nainsulto. Vhukeet?
Una: hindi ba't pareho silang babae na may kani-kaniyang jowa? At hindi naman sila mga lesbiana 'de vaahhh!? Magkamag-anak pa sila. Imbes na equality eh incest ang naging interpretasyon ko dito.
Panghuli: ang tawa sa caption ng larawan.
Anong nakakatawa? Natatawa ba siya sa ginawa nila? O 'yung tawa eh para kay
Mark Nicdao?
Ginawa ba nila ito para sakyan ang isyu tungkol sa ating piniling sekswalidad? Naiintindihan ba nila kung gaano kahalaga sa atin ang equality? Kung sa ibang bansa ay ipinaglalaban ito, dito sa atin ay ginagawang katatawanan. Pinaglalaruan pa para sa pansariling kapakanan.