9:07 AM
Good morning Melanie!
Isa ako sa tagasubaybay mo sa TODO SA BONGGA.
Mayroon lang akong ibabahagi sa'yo tungkol sa na-experience ko itong week lang sa isang mall sa Monumento.
Nasa realty sales ako at ang home base ko ay sa Victory Mall.
Minsan sa tawag ng pangangailangan ay napa-CR ako sa 3rd floor ng mall. Sa hallway ay may nasalubong akong kumpol ng mga student na nag-uusap...
"Bakit nasa atin 'yun? Ang tagal-tagal pa."
Mga lalaking estudyante 'yun na nakasalubong ko bago pumasok ng CR. Nang nasa bungad na ako ay nakita ko ang isang beki na bihis babae, nagli-lipstick at naka-high heels. Ang tagal niyang pinturahan ang kanyang mukha sa malaking salamin. Deadma lang ako pagkatapos ay bumalik ako sa foodcourt kasi andun ang mga kasama kong babae. Naikwento ko sa kanila ang narinig at nakita ko. Nagkwento rin sila...
"Minsan nga may naka pila rin sa CR namin. Beki na bihis babae rin. Tinitingnan lang namin sya at naghihintay rin sa isang cubicle para umihi."
Ano ba ang advise mo? Sa aking palagay, dapat yata magkaroon ng isa pang CR para sa mga beki. Magiging tatlo na ang public CR sa Pilipinas. Hindi ako galit sa kapwa ko beki. Nabahagi ko lang ito dahil sa mga pananaw kung ano ang nangyayari sa loob ng CR kasama ang mga beki at straight na babae o lalaki.
Thank you!
***
Haller ateng!
Salamat sa pagsulat mo at paghingi ng aking opinyon sa isang bagay tungkol sa 'tin. Wit ko knows kung anong itatawag sa'yo. 'Di ka man lang nagpakilala.
Sa totoo lang, simple kung babasahin ang tanong mo pero nahirapan akez. Tungkol kasi sa karapatan ng isang indibidwal ang tinatanong mo... karapatang mamili kung saan magbabawas, magbabanlaw at magpapaganda. Kung sa ganang akin lang, kahit saan pwede basta kumportable ka. Mas maganda kung iaayon sa kung paano ka manamit. Kung feel na feel mo mag-takong at maxi dress, maiging sa girls CR ka. Kung bailamos o bihis lalake ang trip mo, 'di na kailangang i-memorize 'yan.
Ma-kwento ko lang ang recent experience ni Alicia, ang friend kong transgender. Nasa training na siya sa isang BPO sa Eastwood nang pagsabihan siya ng HR na 'di siya pwedeng mag-CR sa girls dahil sa kasarian niya. Wit pumayag ang vekla at humingi ng tulong sa bisor niya ngunit kamay na bakal ang pagpapatupad ng company rules. Dahil feeling violated sa karapatang pang-beki niya eh minabuti niyang umalis na lang doon. Well, kung sino nga daw ang inaapi ay siyang magwawagi dahil nakalipat siya agad sa isang kumpanya sa Ortigas. Mas mataas na ang sahod, 'di pa isyu kung saan siya weeweewee. PAK!
Maiba lang pero tungkol pa rin sa karapatan ng 'sangkabaklaan. Hanggat may mga bumubuto sa mga gunggong na mambabatas at umaasa lang sa kanilang staff, nga-nga tayo kung paano mabibigyan ng mas malaking espasyo sa Saligang Batas ng Pilipinas. Mauumpisahan na sana kung nanalo ang Ladlad Partylist pero 'di pa siguro ngayon ang shining moment nila. 'Wag tayong mawalan ng pag-asa. Malay nyo may kongresista naman diyan na may plano sa atin, natatabunan lang dahil sa samu't saring kontrobersiya ng Pinas na sinasawsawan ng senado at kongreso. AMP!
Nagmamasarap,
Bb. Melanie
Bb Melanie,
ReplyDeleteTeh, agree ako sa lahat ng hinanash mo. Para sa akin, kiver din lang kung saan gustong mag cr ng isang transgender. basta ba wala siyang ginagawang milagro. eh kung sa totoo lang din naman, may mga straight looking gays na na ginagawang hook up venue ang public cr eh' aminin natin yan!
oh well, mabuhay ka bb melanie!
olga