Saturday, October 5, 2013

Martir

Naalala niyo pa ba ang panahon nina Renz Verano at Melody kung saan tinatagalog nila ang famous English songs? Mga late 90's 'yun kung saan uso pa ang top 20 charts araw-araw sa radyo. Lagi kong inaabangan 'yung sa Kool 106, OPM songs sa tanghali at sa gabi naman ang mga imported. Kaya ko nabanggit 'yan dahil may isa akong todong paborito na magpahanggang ngayon eh pinakikinggan ko at feel na feel kapag kinakanta sa kwarto, ang Hindi Ako Si Darna ni Jenine Desiderio.

Jenine Desiderio
Hango 'yan sa Superwoman ni Karyn White na umalingawngaw noong 80's. Ang martir-martir ng lyrics nito. Kesehodang nasasaktan at nababalewala, sige pa rin sa pagmamahal. I'm sure madaming veks diyan ang nakakarelate. Madami kasi sa atin ang martir pagdating kay fafah. Kaya kapag may videoke, 'di pwedeng palampasin ang bonggang pagkanta nito with matching hand gestures at tulo luha sa kaliwang pisngi. Halikayo't mag-concert tayo...


I
Pagising sa umaga
Almusal mo ay handa na
Kape mo ay mainit
Itlog mo'y nalaga na 

Damit mo ay plantsado 
Ready pang opisina 
May konti ka pang lambing 
Bago ikaw ay lumarga

II
Ngunit bakit ba bigla na lang
Ikaw ay nagbago
Binabasahan mo na lang ako
Ngayon ng dyaryo

'Di na tayo nag-uusap
'Di mo na kinikibo
Hindi ako iiyak
Ngunit bakit naluluha

Chorus
Hindi ako si Darna
Wala akong lakas 
o kapangyarihan
Upang hindi masasaktan

Ako ay tao lamang
Taong may puso rin at damdamin
Marunong masaktan 
Ooohhh baby

III
Tinatawanan mo na lang
Pag sinasabi ko sayo
Kay lamig ng iyong mga halik
Walang higpit ang yakap mo

Para ako'y balewala
Ako'y wala nang halaga
Sabi nila iwan kita
Ngunit 'di ko kaya

Chorus

IV
Hindi naman laging ikaw na lang
Ang lagi kong iintindihin
Habang ako naman ay nasasaktan
Pagkat hindi ako si Darna
Na hindi tinatablan
Kailangan din ng pagtingin
At pag-unawa mo sa akin

Chorus

V
Sa lahat ng tulad ko
Na nagmamartir din
Wag mangangamba
Pagkat 'di kayo nag-iisa

Pakinggan mo ang puso ko
Ang puso't buhay ko 
Alay ko lahat sa'yo
Isa lang naman ang hinihiling ko sa'yo

Kailangan din
Suklian mo
Pag-ibig ko

Chorus 'til fade




Hindi Ako Si Darna is a single from Janine Desiderio's self-titled album released in 1998 under Sony Music.

No comments:

Post a Comment