Saturday, October 26, 2013

Latak

Bohol's Chocolate Hills
Sinong hindi nayanig sa nangyaring lindol sa Kabisayaan nitong nakaraang linggo? Lahat yata tayo ay shakira sa natural calamity na itech. Galing pa naman kami diyan ng mga kaibigan ko noong Hulyo kaya nakakadurog ng puso ang mga nakakakilabot na litrato at balita. Hindi nakaligtas ang mga matatandang simbahan at Chocolate Hills na trade mark ng Bohol. Bilang Pilipino ay likas na sa atin ang magtulungan. Maraming paraan kung paano at isa dito ay sa pamamagitan ng RedCross (click here).

Siyempre 'di papatalo ang mga epal na pulpulitiko. Likas na 'yan sa kanila eh. Sa Administrasyong Aquino kung saan tayo ang boss ay bawal na bawal 'yan kundi eh titirahin ka sa social media. Instant pahiya ka. Pero madami sa kanila ang 'sing kapal at tigas ng palo-palo ang pagmumukha at ni latak ng kahihiyan eh wala...

Pangalawang pangulo pa man din. NAKAKALOKA! Infernezzz bawal ang plastic kaya bonggang cloth bag ang ginamit na pwedeng i-recycle at gamitin kahit saan. May recall agad sa makakakita de vaaahhh?! Sa makatuwid, idinedeklara kong henyo ang nakaisip ng ideyang ito. Nakatulong ka na, may maagang kampanya ka pa. PAKAK!

1 comment:

  1. Seryoso talaga si Binay na tumakbo as President sa 2016. As early as now, the Liberal Party should really start grooming a potential candidate na malakas ang appeal sa masa para may pantapat kay Jejomar. Because if it's a Binay VS. Mar Roxas scenario come 2016, I'm not so sure if I even want to vote. #smh #NKKLK

    ReplyDelete