Nakakalungkot ang nangyari sa amin ng friend ko. Ilang beses ko na rin siyang nabanggit ditey pero wit ko na pangalanan. Nawarak ang tiwala ko sa kanya at ang masaklap, may andalushang involved. Matagal na kaming magkakilala. Nag-evolve na ang itsura namin mula sa pagiging prinsesa hanggang sa maging dyosa tapos bigla na lang ganito ang mangyayari.
Ganito kasi 'yun, jumuwelay siya ng probinsya matapos mag-resign sa trabaho. Bakasyon grande para magpa-tight ng pores. Eh biglaang darating ang jowang afam sa Maynila. Agad-agad eh nakiusap siya sa akin na mag-book ng plane ticket pabalik. May I promise to pay siya pagdating niya. No problemo! Gamit ang aking credit card eh natapos ang transaksyon in 10 minutes.
Nagkita't nakaalis na si afam at nakahanap na siya ng bagong trabaho pero 'di man lang niya i-mention ang jutang. Nahiya naman akong maningil kaya hinayaan ko muna na siya ang magkusa. Siyempre nag-a-adjust pa siya sa trabaho. Eh course niya yata nung college eh BS Dedmatology kaya nga-nga akez ng ilan buwan. Kinapalan ko na ang fes ko at siningil siya. Humingi siya ng pasensya at nangakong magbabayad sa ganitong petsa. Hoping ang drama ko. Tinext ko siya noong araw na 'yun pero namuti lang ang tantalizing eyes kez. Nagreply after ilang araw, sa akinse na lang daw kasi nagipit siya. Naintindihan ko naman. Dumating ang araw na 'yon at ako pa ang pinapunta sa lugar niya para pick-up-in ang paysung. Keri lang kasi 'di magtugma ang schedule namin. Aba! Pagdating ko eh wala pa sa kalahati ng jutang niya iniabot sa akin. Next payday na lang daw. Masaya na ako kasi kahit papaano eh nabawasan.
Eto na ang katapusan at naulit ang pandededma. Napuno na ang salop at winarla ko siya sa text. 'Di rin sinasagot mga tawag ko. Ending napagod lang ako at na-stress until sumuko ako. I decided na akuin na lang ang responsibilidad niya. I've learned my lesson. Mas nakikilala mo talaga ang isang tao pagdating sa pera. Kahit na gaano katibay ang tiwala mo, pwede itong mawarak at magkapira-piraso :-(
marami rami na rin akong friendship na nasira sa utang. kaya kung may mangungutang p100 na lang ang maximum ko.
ReplyDeleteMay idea ako kung sino yang EX-friend mo na yan pero like you said, wag na lang pangalanan. Sayang, ang ganda pa naman ng samahan ninyo.
ReplyDeleteHay 'te, makaka-move-on ka rin. Jusko, sa ganda mong yan, 10 new friends agad ang kapalit.
Winnerva! PAK!
Totoo. Marami nang pagkakaibigan ang nasira dahil sa pera. Pero depende rin sa kaibigan eh...meron akong kaibigan na medyo malaki ang utang sa akin at medyo matagal na rin simula nung hiniram (at di nabayaran). But since palagi naman kaming in-touch at nakikita ko naman ang sitwasyon nya, hindi na masyadong malaking issue sa akin.
ReplyDeleteSiguro teh Melanie, ang nakasama lang ng loob mo ay yung pagdedma nya. For sure naman maiintindihan mo sya kung in-touch pa rin sya sa iyo palagi.
Next time, just lend money that you can actually give away, para di masakit sa bulsa :)
Ako rin hindi iilang beses na nagoyo ng mga taong hinsi pala mapagkakatiwalaan. Masarap naman magbigay sa nangangailangan pero sa salapi madalas nagkakasukatan kung sino ang totoo at may isang salita.
ReplyDeletedalawang bagay ang ipinagkakasira ng mga bakla - pera at lalaki : ) smile pa rin , ipagpasa-Diyos mo na lang
ReplyDeletelesson learned ateng melanie. syempre sa una talagang hindi maiiwasang maging tanga kasi nga kaibigan na ang turing mo pero sa pangalawa o pangatlong beses dapat natuto ka na, hindi lang sa kanya pati sa ibang tao. normal na ang mga ganyang bagay bagay o pangyayari basta wag ka na uli magtiwala. be happy ateng! wag masyadong dibdibin kasi wala ka namang dibdib! charot!
ReplyDeleteYan ang tinatawag ilista sa tubig.. babalik yan sayo mas higit p.. pero wag magmataas frend mu p rin sya khit gnun p rin asal nya.. kahaga haga k. Sabilis mu tumulong sa mga nagagailagan. Dapat syo putungan ng korona at gawan ng monumento sa pagkama tulugin mu...vau aq sayo
ReplyDelete.pautang nga.. he he he
Maraming salamat sa magaganda niyong salita mga ateng :) Pakatatandaan ko 'yang mga tips niyo.
ReplyDeleteKaloka 'yan Bb. Melanie. Iyan ang hirap sa nagpapautang eh. Pag ikaw na naniningil, kung hindi galit, deama sila! Bakit kaya ganun no? Samantalang pag magpapahiram tayo, ora mismo kung umeksena pero pag singilan portion na sila pa itong galit. Nakakagigil.
ReplyDelete-KP
naranasan ko din yan ganyan ateh! nakakaloka nga yang ganyang eksena, sabi nga nila " Money doesn't change who you are, it just magnifies your personality."
ReplyDeletenadala na din ako dun sa ibang friends ko magpautang. minsan parang atm machine lang tingin sayo. kilala ka lang pag may kailangan sila. so sad. ignore ignore na lang. kaloka!
-nimpa
bb melanie,
ReplyDeleteang saklap nga! so sad. sayang ang friendship. ng dahil lang sa andalucia! oh well, sa dats talaga nakikilala ang isang tao. hay naku!
at kadalasan pa nga, yung inutangan pa ang mas nahihiyang maningil! baligtad noh?
just stay pretty and happy!
olga
been there..ive learned my lessons na--never be too kind to lend my credit card na lang..
ReplyDeletesimple lang yan... pag ang utang ay higit na sa 300 medyo kimi ka na...
ReplyDeletedi na maganda pag ng 300 na plus ang utang..
kung 300 na mga macho Spartans yan fweydi fa hahahahah