Thursday, May 28, 2015

Dumog

Habang subsob ako sa trabaho noong isang araw, pinatugtog sa radyo ang Mr. Right, the newest song of Kim Chiu from her second album Chinita Princess. Agad-agad na-LSS kami ng mga ka-officemates ko. Napaka-catchy at ang daling sabayan. Ni-research pa namin ang lyrics para makasabay kami. 'Yun lang ang pinakinggan namin sa loob ng halos tatlong oras.

Hindi ito ang unang beses na may nagustuhan akong kanta niya. I still have Crazy Love in my playlist, which was the theme song of Hana Kimi when it aired in 2008. Ang tamis, ang kipot at ang lakas maka-virgin ng kanta!

I follow Kim Chiu sa Instagram at todong pino-promote pala niya ang album all over the country. Dahil isa siya sa pinaka-sikat na artista ngayon, dumog levels ang mga malls na pinupuntahan niya. Nagkakaubusan pa ng kopya ng CD. Selling like hotcakes talaga!

Tuesday, May 26, 2015

Chika Chika Boys (final part)


We're down to our top 2 Chika Chika Boys. As much as I want to extend our list, hanggang sampu lang ang kineri ng powers ko or else, maglalawa ang kipayla natin kaka-reminisce. It's good to look back sa mga lalaking ating pinantasya habang pinagmamasdan ang katawan nila sa mga paborito nating newsstands. Sa halagang bente pesos, may picture na tayo, bonggang centerfold, titilating stories at naughty interviews. That's gay entertainment of the 90's!

Tama na ang kuda! Let's reveal who made it to the top...

 2. Leandro Baldemor

I have good memories of him. Sa Congressional Ave. in Quezon City nag-shoot ang pelikulang Patikim ng Pinya. Sakto at galing ako sa paglalaro noon sa plasa nang maabutan namin sila. Kahit ako'y wala pang malisya noon (weh?!) at bubot pa ang aking bulaklak, todong natulaley akez sa kanyang matikas na pangangatawan. He was tall, brown-skinned and full of sex appeal.

He was hailed as the Titilating Prince of Seiko Films at nakagawa ng iba pang pelikula tulad ng Tukso Layuan Mo Ako 2, Walang Dayaan, Akin Ang Malaki and my favorite, Sariwa with Priscilla Almeda. Semi-active pa siya sa showbiz ngayon at madalas na lumalabas sa dramaserye ng Kapuso network.

So girls, are you ready for the King of Chika Chika world?

I can't hear you.

I said... ARE YOU READY?

1. Juan Carlos 'JC' Castro

Consistent ang iba sa inyo sa pagre-request sa kanya. Mapa-comment man o email, hindi siya nawawala sa listahan, which is why I made him our King. Well, he totally deserves it! Madalas na siya ang cover ng Chika Chika. If not, baka sa centerfold mo siya makikita. Sobrang skimpy ng mga bripang at bikini na pinapasuot sa kanya. Then he will tease us na kunwari ibaba ng konti, exposing some pubes.

Sa isang pelikula ko lang yata siya napanood, Talong starring Nini Jacinto and Leonardo Litton. Mas pinag-usapan siya nang maging karelasyon niya si Melissa Mendez. Yes! Ang babaeng gustong maupo malapit sa bintana ng eroplano to see the clouds. KALOKA!

Mga 'teh, I hope nabusog kayo sa sampung putaheng inihanda ko. Bundat na bundat nga ako sa sarap nila. Naubusan nga ng rice pero nagpasaing na ako. Kumakain naman kayo ng NFA rice, de vaahhh?! 

Friday, May 22, 2015

Kwela 14

Congrats!
Espesyal Komiks
Hunyo 26, 1997
Taon 40 Blg. 2249
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, May 19, 2015

Silab

HONESTY OVER EXPERIENCE

Photos courtesy of The Philippine Presidentiables
& Inquirer.net
'Yan ang nagkaka-isang headline ng mga broadsheets at tabloids ngayong araw. Malayo pa man ang Halalan 2016 ay mukhang nagsisimula na ang pagsilab ng tensyon between possible presidentiables VP Jejomar Binay at Sen. Grace Poe. Nagpatutsada kasi si VP na dapat daw ipagkatiwala ang gobyerno sa taong may karanasan at kakayahang humawak nito. Nasoplak tuloy siya ng anak ni Da King.

Eh kasi naman, bakit ba ayaw umattend ni VP sa senate hearing? Ilang beses na siyang inimbita pero dedma ang loloh niyo. Wala tuloy konkretong patutunguhan ang ginagawa ng senado sa mga issues niya. Kung walang tinatago at malinis ang konsensya, bakit hindi harapin ang kontrobersiya?

Mahirap ba 'yon?

Saturday, May 16, 2015

Dantay

Mag-a-alas cuatro ng madaling araw kanina, sakay ako ng bus pa-Novaliches galing Ayala. Medyo punuan pero hindi naman siksikan. Walang nakatayo. Ambilis ng biyahe. Para akong kalapati na binabaybay ang EDSA.

Otoko ang katabi ko. B&W na checkered ang pants. Medyo chubby. Pwede na. Kaya lang nakatingin sa kanan eh nasa kaliwa ako. Walang pag-asa 'to. Oo nga. Hanggang sa bumaba siya.

Lipad, bus, lipad. May sumakay na cutie pie sa Shaw boulevard. Maputi. Naka-cap at sleeveless shirt. May dalang bag. 'Yung usong brand ngayon. Herschel ba 'yun? Anyways, may nakasunod sa kanya, lalaki din. Payat, mas maliit sa kanya at medyo kayumanggi ang kulay. Puting t-shirt ang suot. Sa likod ko umupo. Tuloy ang biyahe sa EDSA.

May sumakay. Napatingin ako hanggang sa maupo siya sa likuran. Wit ko type. Ganun lang talaga ako. Observant sa sumasakay lalo na kung dis oras ng gabi. 'Di sinasadyang masulyapan ko 'yung kanina. Naka-dantay si white t-shirt guy sa balikat ni cutie pie. Mahimbing na natutulog. Mag-jowa pala.

Madaming nagsibabaan pagdating sa Cubao. Lumipat sila ng upuan. Sa bandang harapan ko. Patuloy ang sweet moments nila. Tumingin ako sa bintana, sa kaliwa, sa kanan, pati na sa kamay ko. Buti pa sila.

Muñoz na. Bababa na si cutie pie. Bigla silang naghalikan. Goodbye kiss. Aray! with matching facial expression. Hinatid ng tanaw ni white t-shirt guy si cutie pie hanggang sa ito'y makababa. They didn't stop staring at each other habang pinupuno ng konduktor ang bus.

At ako, ayun, parang ganito...

Friday, May 15, 2015

Sustansya

Ano 'tong tsismis na bonggang nag-meeting sina Senator Grace Poe at PNoy para sa nalalapit na halalan? If you don't know mga shupatid, sa maikling panahon lang ay halos makapantay na ni Grace Poe si VP Binay sa iba't ibang survey for the next president. Oh, I love it! Sana magtuluy-tuloy ang pag-angat niya. Mas gugustuhin ko na siya kesa naman kay... hhhmmm... I'd rather keep my mouth shut! TBH, bet ko pa rin si Mar Roxas to be our next president. 'Yun lang, medyo tagilid pa siya sa survey eh.


Aminin man natin o hindi, malaking impluwensiya sa decision making natin ang mga naglalabasang survey. Kung naaalala niyo, #1 palagi noong 2010 elections si Manny Villar. Bentang benta sa mga Pinoy ang rags to riches niyang istorya hanggang sa naglabasan ang iba't ibang kontrobersiya. Hind siya tinantanan hanggang sa todong sumemplang siya.

Inamin naman ni Sen. Grace na baguhan pa lang siya at wala pa masyadong karanasan. Don't you just love her honesty? Napaka-classy ni ateng 'di tulad nung isang ka-batch niya, nanalo lang dahil sa pangalan pero kapag ini-interview - puro satsat, walang sustansya. Sino tinutukoy ko? Aba, manood na lang kayo ng balita at sure ako, hindi kayo mahihirapang hulaan ang sagot. CHAROT!

Tuesday, May 12, 2015

Chika Chika Boys (part 4)


4. Renzo Cruz
Renzo Cruz is one articulate sexy hunk of the 90's. Anak ni Ricky Belmonte at kapatid ni Sheryl Cruz. If I remember it right, FLT films ang nag-launch sa kanya in doing sexy movies. He starred with Izza Ignacio and Piel Morena in Hamog sa Magdamag. Nakagawa din siya ng pelikula sa Good Harvest productions, ang Babae sa Bubungang Lata starring Aya Medel, which is based on Agapito Joaquin's award winning play.

Bet na bet ko ang katawan niya na di masyadong ma-maskels pero malaman. At sa mga pictorial niya, bukol kung bukol. May class at 'di bastusin ang kanyang angking kagwapuhan. Look at the hairs on his legs... nakakapanginig laman!

3. Dante Gomez
Sagana ang Chika Chika magazines sa sexy pictorial ni Dante Gomez. Kita niyo naman, kung hindi dahon eh unan ang nakatakip kay junjun. Moreno na mukhang mabait plus he's very naughty sa kanyang mga interviews. Though hindi siya masyadong nagbida sa mga sexy movies, daig naman niya sa kaseksihan at kafogian ang ibang hubadero noon.

Monday, May 11, 2015

Kwela 13

Namamalat
Espesyal Komiks
Hunyo 19, 1997
Taon 40 Blg. 2247
Atlas Publishing Co., Inc.

Sunday, May 10, 2015

Iginapang

A few years ago, someone asked me to blog about my mom. I promised that I will do it but you all know naman, promises are made to be broken. ECHOS! Nakalimutan ko lang talaga tsaka nakaka-pressure magsulat tungkol sa pinakamalapit na babae sa puso ko. As a Mother's Day special, I dedicate this blog post to her.

Taga-Virac, Catanduanes si La Mudra. Natutong manahi mula sa training ng Amerikano. Lumuwas ng Maynila para sa mas magandang buhay. She lived in Manila for a few years together with relatives and friends bago lumipat ng Quezon City at nakilala si La Pudra. Tatlo kaming junakis niya, napagitnaan ako ng isang babae at isang lalake. 

Nangibang bansa si La Pudra. Hindi ko na idedetalye pero nakaka-relate kami sa pelikulang No Other Woman, A Secret Affair at sa mga teleseryeng The Legal Wife at Two Wives #alamnathis. Sinikap niyang mapag-aral kaming lahat hanggang kolehiyo at sa kaniyang pagtiya-tiyaga ay nakatapos ako. Iginapang niya talaga 'yun I swear kaya sobrang pinapahalagahan ko ang ginawa niya. I wouldn't be here writing this without her. Thanks ma!

And now that it's Mother's Day today, I want you to know how lucky I am to have a mother like you. We may not have the perfect mother and son relationship (and who does?), but you're incomparable. The reason why I am not insecure about my chosen gender is because you're the fist person who accepted me wholeheartedly. Kapag nagkakaroon ako ng problema sa ibang tao, iisa lang ang payo mo... 'wag mo silang pansinin. Hanggang ngayon, ina-apply ko 'yan sa buhay ko. Mother knows best!

HAPPY MOTHER'S DAY LA MUDRA! 
Hope to celebrate this special day with you for more decades to come ♥

Friday, May 8, 2015

Chichirya

Can I Just Say:

Nakakasuka (hindi naman literal) ang mga taong panay ang banggit kay God kahit 'di kailangan. 'Yung tinatanong not related sa religion pero ipipilit ipasok si God.

Wit ko knows kung nagpapa-impress para masabing mabait, para sa mabangong image o sadyang relihiyoso lang. Panay post ng quote galing sa Bible pero 'di kayang isabuhay. Parang chichirya na puro hangin - pagbukas mo, iilan lang ang laman. I'm sure, may kakilala kayong ganito.

A perfect example is this sportsman turned politician. Tungkol sa ensayo at practice ang tanong, hindi pwedeng hindi niya banggitin ang isa dito - God is good, God is great, God will provide. Pati asawa niya na mahilig sa ‪#‎selfie‬, halata namang ‪#OOTD‬ ang post pero ginawang caption ang God is love dahil sa heart print ng damit niya. Eh 'di WOW!

Let me say my opinion. For me, its a form of abuse. Oo, dapat tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya ng Maykapal. Pagdilat pa lang ng mata sa umaga, biyaya na eh. Lahat ng meron tayo, dahil sa Kanya. Kadalasan, itinuturo na ipamahagi ang salita ng Diyos. Pero sa tamang hulog at ilagay naman sa lugar. Please lang, spare Him to your personal intentions.

And I do believe that faith should be practiced spiritually. 'Wag dalhin sa harap ng camera o social media.

Thursday, May 7, 2015

#finally!

Hindi Ariel 'to ah! Magkakaroon muli ng HIV screening ang LoveYourself na gaganapin sa Victoria Court Malate. Ito ay sa ika-17 ng Mayo, Linggo, mula alas-dies ng umaga hanggang ala-cinco ng hapon. Libre 'to at todong confidential mga 'teh kaya walang dapat ikabahala. 

Dahil sa 'di mapigilang pagtaas ng bilang ng HIV/AIDS cases sa Pilipinas, malaking tulong na malaman mo ang iyong estado para mas alam mo kung paano pangangalagaan ang iyong wankata. Isa lang 'yan kaya dapat paka-ingatan.

Bukod sa HIV screening, pwede ka ring makihalubilo sa group session on how to improve self-worth and learn more about safe sex. 'Yung iba kasi sa atin, dyug lang nang dyug. Inuuna ang kati bago ang kaligtasan. 

Pre-register here to secure a slot. Again, confidential 'to kaya ano man ang ilagay niyo, walang makakaalam. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website o Facebook page.

See you mga 'teh!

Sunday, May 3, 2015

Prom

Good news jimported from the US mga ateng. Todong nakakikilig ang prom date proposal ng isang straight high school student sa kanyang gay BFF. If you've seen a lot of American chick flicks, isa sa nilu-look forward ng mga estudyante ang prom. Pabonggahan ng proposal. At hindi nabigo si sissy Anthony Ramirez dahil nagetlak niya ang pinakamimithing hiling.

How sweet of Jacob Lescenski for doing this! Um-effort pa siyang gumawa ng banner. Thanks for being open-minded and letting the world know that gays can be friends with straight guys too. When I was in high school, wala namang ganitey pero naisayaw ako nung dalawang crush ko, sina Istian at LeonardJUICE KOH! Hindi ko sila matingnan sa mata habang sumasayaw. Nakatingin lang ako sa ibang mag-partner na sumasayaw ahihihi!

Ang mas bongga sa lahat, nakuha ni Jacob at Anthony ang atensyon ni sissy Ellen de Generes at inimbitahan silang mag-guest sa show. Panoorin niyo how their friendship started and how pure and clean it is...

Mamaya na ang prom nila and they were styled by Christie Moeller, a fashion stylist, director and blogger for Teen Vogue. Look oh... KAVOGUE NA KAVOGUE!

Jacob Lescenski and Anthony Ramirez
Stories like this makes us smile and gives hope that someday, tuluyang mawawala ang homophobia and we're going to be accepted and treated just like a normal straight person. I'm sure that day will definitely come.

Friday, May 1, 2015

Kwela 12

Napanood niyo ba ang kuda ng pamilya Veloso patungkol sa pagkakaligtas ni Mary Jane mula sa bitay? Kung hindi pa, hanapin niyo sa YouTube at NAKAKALOKA! Ang payo ko lang, huminahon kayo sa bugso ng inyong damdamin. 

Eto, pampalamig ulo sa mainit na balita at panahon...

Libre na!
Espesyal Komiks
Hulyo 31, 1997
Taon 40 Blg. 2259
Atlas Publishing Co., Inc.