Tuesday, July 7, 2015

Bandana

Ilang araw ko nang pinakikinggan ang sountrack ng Glitter, ang flopey na pelikula ni tiyang Mariah Carey. Although least successful ito compare sa dalawang naunang album (Rainbow and Butterfly), bet na bet ko ang R&B flavah nito.

Loverboy was the lead single and reached #2 sa Billboard 100. Bongga ang bandana bra na suot ni Mariah sa music video. Ginagaya ko nga dati nung high school pa ako. Itutupi ko rin ang shorts ko at isusuot ang high heels ni mudra sabay patugtog ng malakas sa casette player. Isa talaga si Mariah sa mga rason kung bakit ang landi ko ahahaha!

Never Too Far was the power ballad of the album na pwedeng i-compare sa Bye Bye at One Sweet Day. The real favorite of mine was If We, her collaboration with Nate Dogg and Ja Rule and Don't Stop (Funkin' for Jamaica) with Mystikal. Panay chorus lang kinakanta niya tapos puro rap na. Thug life!

Wit ko knowsline kung bakit ang daming nachakahan sa movie samantalang todong nagustuhan ko. Well, pwera na lang sa ending at may na-teggie. Naiyak tuloy akez. Gusto ko sanang mapanood ulit kaya lang wala akong mahanap na matinong Torrent download link. Reminisce na lang natin ang video ng Loverboy...

4 comments:

  1. too bad, waley na ang singing career ni ate mariah. waley na rin vocals nya. pati katawan, jubis ever na.

    ReplyDelete
  2. nag flop sya kasi alam ko bukod sa negative reviews, eh na tiempo sa 9-11 incident. At kaya sya naging number 2 sa billboard yung loverboy, kasi parang ginawang sale ng 99 cents yung single nya.

    ReplyDelete
  3. Ay ang daming bitter kay Queen Mimi! Go ateng Melanie! Isa ka talagang diva fan!

    ReplyDelete
  4. Haaay...naalala ko noon. First year college ako nung pinalabas yung Glitter.

    Tapos na yung Finals namin nung first sem, kaya nanood ako ng Glitter sa SM Manila mag-isa (di kasi bet ng mga classmates/friends ko manood).

    Nalungkot ako sa 2pm screening na yun dahil mabibilang lang sa daliri ang dami ng manonood...

    -Ate Ken

    ReplyDelete