Nagba-browse ako ng mga kalalakihan noong isang araw nang bigla na lang mag-pixelate ang monitor. Ilang sagit lang ay nagdilim ang paningin nito. Agad kong tsinek kung CPU ba ang may problema. 'Wag naman sana dahil paano na ang mga saved files natin? Buti na lang at kumpirmadong LCD screen ang depektibo. Kaya heto, nakiki-internet muna para makapag-blog. Maghahagilap pa akez ng murang bilihan online o baka sa mapadpad na lang akez sa Gilmore.
Noong kasagsagan ni bagyon Egay at suspendindo ang klase sa kalakhang Maynila, ako'y rumampa papunta Quezon City Hall upang kumuha ng form. Form para sumali sa Queen of Quezon City. Oh yes mga ateng! I've decided to join a gay beauty pageant for the first time in my bonggacious life. Very exciting and at the same time, kaka-nerbiyos. Wala akong manager to back-up my application, walang bonggang girly outfit at costume pero sige lang, try na rin natin kung papasa sa screening.
According sa qualifications, ang mga sasali ay dapat trans/gay citizen (pasok!), edad 18 pataas (syet! 17 pa lang akez), Pinoy at residente ng Lungsod Quezon (born and raised here), at least 5'5" ang tangkad (pak!) na may proportioned na katawan (huhuhu diet please), nakapag-kolehiyo, may malusog na pangangatawan at isipan, may good moral character, strong sense of social awareness at willing maging contract star. PAK na PAK!
Ang mananalo ay todong magwawagi ng tumataginting na 300K at ang tatlong runners-up ay tag-100K. WOW! Eto talaga ang rason kung bakit ako sasali eh! Mukhang pera lang ahahaha! Pamparetoke para magka-pechay na akez. CHAROT!
Sa July 24 na ang deadline of application. Sabi ni ateng na taga-city hall, kokonti pa lang daw ang kumuha ng form at very excited na daw sila sa pageant. Tinanong nga niya ako kung trans na daw ba akez. Napag-isip tuloy ako. Para safe ang answer, sinabi ko na lang na bakla akez. CHAK!
Kung interesado kay mga ats, sali na! You can download the form on Queen of QC Facebook page or visit Office of the Mayor, 3rd floor, high-rise building, QC Hall.
OMG! Pak! Pak! Tuloy amg mowdelling! Goodness, beaucomera ka na teh! Support kami dyan! Papagawa na ako ng tarpaulin!!!
ReplyDelete-Ateh Ken
Paano yan wala kang good moral character Ateng he he he , joke lang .. peace : )
ReplyDeleteHay naku Ms. Melanie gora! I will pray for you and support you from afar oki! :)
ReplyDeleteMakaka-place ka jan at who knows getlak mo pa ang title at korona mismo <3
Godspeed Ms.M!
Hay naku Miss Melanie, pag nalaman nilang sasali ka baka mag-back out silang lahat. Pak!
ReplyDeleteim sure puro chaka ang contestants
ReplyDeleteka-cheapan
ReplyDelete