Noong early 20's, kahit anong lafangin ko, wit talaga ako tumataba! Simula nang tumuntong ako ng 27 or 28, parang nagkakabilbil na akez, which is fine with me kasi first time kong maranasan. Akala ko lilipas lang din. Pero nag-overstay ang gaga at parang nag-aya pa ng tropa. Until one day, hindi ko na masara ang butones ng pantalon ko. Kinailangan kong sinturunan to make sure witchels akong majubaran in public.
A few weeks ago, nagkaroon ng wellness talk itong si Chad Davis sa office. Kung sa BPO industry ka nagwo-work, todo ang stress dahil sa demands ng trabaho. Idagdag mo pa ang pabago-bagong schedule. You really have to prioritize your health more than anything else. Medyo na-alarm ako kasi nasa lahi namin ang mga sakit like high cholesterol, high blood at diabetes. Nakaka-pulubi ang maintenance kung magkakaroon ka nito kahit pa sa Generika ka pa bibili.
So ano bang binabaon ko? Dalawang nilagang itlog at hiwa-hiwang pipino at kamatis. Nilalagyan ko na lang ng salad dressing para magkalasa. Mangiyak-ngiyak at masuka-suka ako noong una but I'm getting used to it. I'm no pro when it comes to nutrition and health, but I guess, this is a good start. Infairness naman, noong isang araw eh naisara ko na ang butones ng pantalon ko. And I'm not doing this para lang magpapayat o magpasexy. Bonggang makakatipid ako kung magbabaon at magbabawas ng bewang. Mahal kasi kung bibili ako ng mga damit with new measurements, de vaaahhh?!?
Anyways, saliwa ang kwento ng dalawang ito sa kinuda ko. Alamin ang kwentong pag-ibig nina Ched at Jun na likha ng batikang komiks writer na si Tony Velasquez.
Magmahalan sa Kapayatan o Katabaan
by Tony Velasquez
Illustrated by Angel B. Magpali
Love Story Illustrated Weekly Magazine
Abril 4, 1983
Blg. 602