Thursday, October 8, 2015

Ratsada

Who's your next president?
Sa susunod na linggo na ang filing of candidacy ng mga nangangarap manalo sa Halalan 2016. Sa ngayon, tatlong pangalan ang siguradong tatakbo sa pagka-pangulo - Mar Roxas, Grace Poe at Jejomar Binay. Mas madami sa VP post - Leni Robredo, Bong Bong Marcos, Alan Cayetano, Chiz Escudero at Gringo Honasan. Inaabangan kung magbabago pa ang isip ni Duterte since malakas daw sa survey. Sa dami ng kriminal sa bansa, mukhang kailangan talaga natin ang kamay na bakal niya.

Sa senatorial slate, todong mabango ang pangalan ni Tito Sen. Dala daw ito ng #AlDub fever. Malakas din daw ang samyo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. At kapag nanalo daw siya, no more absent sa pwesto. Ganun! So kelangan level-up muna sa pagiging senador para perfect attendance? Kapag nanalo pero umabsent, pwede bang mag-resign siya bilang 'di niya natupad ang kuda niya?

Umaariba na rin ang ilan sa maagang pangangampanya. Balak yatang kabugin ang naglalaking Bench billboard sa EDSA. Pati sa likod ng mga bus, mga pagmumukha nila ang bonggang bumabandera. Maagang kampanya = Maagang gastos. Dami pera! Pahingi naman kahit konti, ipanlalalaki lang namin. CHAR!

Balak ko na ring mag-resign sa trabaho at pumasok bilang sexy dancer. In-demand 'yan sa pangangampanya. Ratsada mga merlat in their sexy kita-kuyukot-at-singit outfit habang tumu-twerk kina cong at mayor. Puma-pump sa stage sa saliw ng Wrecking Ball. Gusto 'yan ng mga tao. Form of entertainment. Ang pangangampanya, naging Showtime. The more na naaliw ang tao, the more chances of winning. JUICE KOH 'DAY!

Sumasakit na ang ulo ko ha! Ganito lagi kapag nalalapit ang eleksyon - magulo, kontrobersyal, panay parinigan, siraan at kung anu-ano pa! Hindi pa opisyal na nagsisimula ang campaign period niyan ah! Abangan natin ang mga susunod na eksena na sasawsawan ng bayan. PAK!

3 comments:

  1. No matter who gets elected the country has no chance in hell in moving forward or gaining progress...its just pointless really.

    ReplyDelete
  2. Isa pang nakakaloka. Pag sounds familar, habol agad bilang politiko. Nakakabobo ang pulitika sa Pilipinas!
    Biruin mo Lance Raymundo at Paul Artadi hahabol sa San Juan?! Ano to joke time?

    ReplyDelete
  3. So far di pa masyadong ramdam ang pagpapa-epal ng mga local candidates dito sa amin. Pero for sure, magsisilabasan din sila eventually. Sasakit na naman ang ating mga mata sa ganitong mga tanawin (tanawin nga ba?).

    In all honesty, irita ako kay Poe every time na ginagamit niya ang pangalan ni FPJ sa pangangampanya niya. Hindi ba pwedeng ibandera niya na lang ang kaya niyang gawin bilang siya at huwag na sanang gamitin pa ang pangalan ng tatay niya.

    Eniwei, I remember one day habang nagfe-facebook ako, I came across a humorously written fb post saying:
    “Ano ba ang pinagsasabi ni Grace Poe na itutuloy daw niya ang nasimulan ng tatay niya? Magpapanday din siguro 'to.” lol

    Sana tumakbo si Duterte. Siya kasi ang iboboto if ever.

    ReplyDelete