Last Sunday, October 25, ay natagpuan ang byuti ko sa Blogapalooza na ginanap sa One Esplanade near SM Mall of Asia. Event ito kung saan nagme-meet ang iba't ibang businesses with bloggers for potential write-up and promotion. First time kong maka-attend dahil napurnada akez last year. Kasama ko si ateng Edgar Portalan of EP BITES.
The official hashtag this year is #ResponsibleMedia which I truly support. I believe that bloggers have the power to influence people at kaakibat nito ang responsibilidad sa bawat salitang bibitawan.
Dagsa ang tao at nagkalat ang iba't ibang booth na namimigay ng freebies. Festive ng mood at may free talk pa with famous RJ Ledesma hosted by Sam Oh.
Inusyoso ko ang bawat booth to know more about their products and services. 'Pag may tanong, may bonggang sagot agad. They were happy to explain and answer some questions I had for them. Sa lahat ng 'yon, tatlong businesses ang tumatak sa isipan ko.
The Diff. They provide customised gadget cases and accessories for leading cellphone brands like iPhone, Samsung and Xiaomi. During the event, I was able to see and touch their cases and I'm impressed dahil high-quality ang dating. May glossy at matte version. Kumbaga sa q-tix, hindi madaling mabakbak. This is perfect for people who wants to put some personal touch on their gifts, lalo na ngayong magpapasko.
HotelQuickly. A mobile app that you can use for last-minute hotel booking across the Asia Pacific. According kay ateng na nakausap ko, mas mura daw ng 20% ang presyo dito. PANALO! You can download the app for free on your Android or iOS devices.
Siyempre, todong nakakapagod rumampa at makipag-usap sa iba't ibang tao kaya medyo nagutom at na-uhaw me. Buti na lang at may Sosro Fruit Tea booth sa loob. Akala ko noong una eh just another bottled tea ang Sosro. Ang dami na kasing katulad nito sa market at halos wala namang pinagkaiba ang lasa.
Sa Marketing, bawat produkto ay dapat may tinatawag na USP o Unique Selling Proposition. Hindi naman ako nahirapang makita 'to dahil sa flavors na meron sila - Guava and Freeze. I chose the first one at infairness, masarap ang lasa na may kakaibang sipa. Nagkaroon ako ng extra energy for an impromptu interview.
Congrats Blogapalooza for a successful event! 'Til next year. ☺
In my opinion too, these are the brands that really stood out! Goes to show that they were really the top brands most bloggers got interested in. :)
ReplyDelete♥ Louise | www.louisechelleblog.com
Hi ate. It's been a long time. kelan ang next event ng mga bloggers? Need kc namin ng mga bloggers nag magsulat about our company. Sana may ma refer ka din. Salamat.
ReplyDelete- Gelo
-Teh Gelo, send me an email at baka matulungan kita :)
ReplyDelete