Monday, October 19, 2015

Estante

GOOD NEWS to all traditional book lovers out there! May nadiskubre akong mina sa Quezon City na tiyak na ikalulugod ninyo.

Daig ko pa ang nakainom ng isang case ng Cobra pagpasok ko ng Bookends. Excited na nilibot ang bawat estante at inisa-isa ang libro. Mga second hand books ang tinda rito. Halo-halo from encyclopedia, reference books, fiction, non-fiction, young adult to children's books. Meron din imported magazines. ANG SAYA! High na high at todong energized akez!

Pakyawan levels ang presyuhan, daig pa ang price tag sa Booksale. Meron pang Fifty Shades Darker. Nabasa niyo na ba 'yan mga 'teh? KALOKA! Nakaka-erbog! 

Literal na nagkalat ang libro dahil sobrang dami. Sa kaliwa't kanan, sa harap at likuran, patong-patong ang pagpipilian. At kapag naswertehan, makakakuha kayo ng good as new. BONGGA! 

I suggest na pumunta kayo ng umaga o tanghali dito para mas maliwanag at makapili kayo ng husto. Kulang ang isa o dalawang oras na pamimili, depende kung gaano kayo kaadik magbasa. 

Bookends is located at Mayon Street, Santa Mesa Heights, Quezon City. Kung malapit lang kayo sa Muñoz Market, sakay lang ng jeep papuntang Sta. Cruz. Tell mamang driver to drop you sa Mayon. Cross the kalsada at once na may nakitang Mercury Drug sa tapat ng palengke, akyat lang sa second floor at 'yun na!

6 comments:

  1. Ang bongga ng presyo. Kung malapit lang ako diyan baka napakyaw ko na din 'yan. Although I haven't bought books on my own because di pa ako nagwo-work, parang nanghihinayang ako pag naiisip ko na pagkatapos mabasa ang librong iyong nabili sa mahal na presyo ay matetengga lang naman ito sa bahay. Kaya this BOOKENDS talaga ang best place for people who are finding bookstore na makakatipid. Sulit na sulit ang bayad. Saktong sakto ang tagline.

    For me lang huh, parang mas interesting ang dating sa akin ng ganyang pagkakakayos kesa sa tulad ng makikita sa mga library na medyo intimidating tingnan. Iba pa naman ang epekto sa akin ng medyo lumang libro, parang mas gusto kong ingatan. Ewan ko ba.

    ReplyDelete
  2. Good find ito Ateng he he . Mapuntahan nga . Kitakits sa Sunday Blogapalooza : )

    ReplyDelete
  3. I applaud you for enlightening the minds of our brethren by encouraging them to read. Yan ang tunay na ganda ng Filipina.

    ReplyDelete
  4. Thanks for sharing!

    ReplyDelete
  5. -Teh AnonymousBeki, I seldom buy expensive books. Konting antay lang, siguradong bagsak-presyo na. I agree with you pagdating sa old books, parang mas lalo mong ite-treasure.

    -Teh Edgar, go and enjoy the books here :)

    -Teh Anonymous 1 and 2, mwah mwah!

    ReplyDelete
  6. Anytime po ba to open? Pati po ba yung price list? Ganun pa rin po hanggang ngayon?

    ReplyDelete