Sunday, November 29, 2015

Ganahan

Excited much na ang 'sangkabaklaan kung sino ba ang papasahan ng titulo ni mamang pulis sa Mister International 2015 na kasalukuyang ginaganap sa ating bansa. Nakapasyal na sila sa mga pinagmamalaki nating tourist spots tulad ng Ilocos Norte at Intramuros at nakapag-TV guestings na sa Umagang Kay Ganda at Unang Hirit.

Last Friday, November 27, ay nakarampa akiz sa preliminary competition na ginanap sa One Esplanade at JUICE KOH 'DAY! Kavogue ang Manila Bay sa pagwater-water ko sa dami ng masasarap. This is the best batch ever!

Venezuela, Puerto Rico and Italy
Bago ang prelims, may mga paborito na aketch like Switzerland, Czech Republic at Australia. Nung makita ko ang lahat wearing their formal and swimwear, gusto ko na silang pakyawin! Ang shesherep nina Italy, Poland, Spain, Netherlands, France at Indonesia. Siyempre, malasa din ang pambato natin. I was expecting na may pica moments with the candidates kaya lang todo higpit ang security. KAKALOKA! Minsan na nga lang ang ganitey sa bansa eh. Buti na lang at lumabas sina Italy, Venezuela at Puerto Rico. Ambabait nila sa mga nagpa-unli selfie. GANURN!

Pwede nating mapanood ang finals bukas sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila. I'm sure na bonggang production ang mapapanood natin dahil pinaghandaan talaga ito. Tickets are available TicketWorld.com. The show will start at 8pm so don't miss this once in a lifetime experience.

Para ganahan pa kayo, heto ang mga kandidato in their national costume, swimwear at formal attire. Maghanda ng tubig at tiyak na masasamid kayo sa sherep...

Saturday, November 28, 2015

Tamang Panahon

Malapit na malapit na ang Pasko pero bago 'yan, sa December 1 ay World AIDS Day. Nakalulungkot man sabihin, patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga bagong kaso. It hurts lalo na kapag lalabas sa statistics na karamihan dito ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nagkakaroon tuloy ng agarang judgement sa mga tulad natin. Hindi dapat ganurn!

And what's the best gift that you can give yourself this yuletide season? A free HIV test courtesy of LoveYourself. Eto na ang tamang panahon to know your status so you can take care of YOU. Alam ko na ang iba sa inyo, takot kumuha ng ganito. I know the feeling, sobrang nakakatakot na nakakakaba. Inisip ko na lang, hindi lang para sa akin 'to kundi para sa pamilya at mahahalagang tao sa aking buhay. Tsaka libre naman. 'Yun talaga ang nagpaconvince sa akin. CHAR!

Bukas na 'to, November 29, sa Victoria Court North EDSA, Caloocan. It's from 10AM to 7PM. Register muna here para sure na maaasikaso. Open ito sa lahat, so dalhin na ang dabarkads, officemates, jowa at mga ka-networking.

For more information, please visit www.loveyourself.ph.

Wednesday, November 25, 2015

Bad Blood

Finally, Mayor Duterte is now running for one of the highest posts in our land. Matapos magpakipot, magpabebe at magpapilit eh tatakbo din pala. I just didn't like his reason to run... Grace Poe. Wit daw niya bet na Kano ang mamumuno sa ating bayan. Ako'y naguguluhan. Baket? Kasi noong kakadeklara palang ng PoeChiz tandem, napanood ko sa TV na sinabi niyang gwapang pareha daw ang dalawa. Ngayon, bakit parang may bad blood na between them?

'Cause, baby, now we got bad blood
You know it used to be mad love
So take a look what you've done
'Cause, baby, now we got bad blood
Hey
Now we got problems
And I don't think we can solve them
You made a really deep cut
And, baby, now we got bad blood
Hey

Sakto 'yung kanta ni Manay Taylor sa kanila. Kuda ni Grace Poe, according to Mommy Susan eh 'wag daw pumatol sa matatanda. I agree! Siyempre, bilang lalaki, dapat lang na ipagtanggol ni Chiz ang kapartner. 'Wag daw gawing dahilan ni mayor si senadora sa pagtakbo. Tama rin!

I'm not really against Mayor Duterte. Silang tatlo lang nina Mar at Miriam ang feel ko kung pagiging lider lang ang pag-uusapan. Pero sa dinami-dami ng rason, talagang si Grace Poe lang? Hindi ba pwedeng may maganda siyang plano for our country? Hindi ba pwedeng gusto niyang maging kasing disiplinado ng mga taga-Davao ang buong Pilipinas? Hindi ba pwedeng pinakinggan niya ang hiling ng mga bonggang supporters at naniniwala siyang kaya niyang pamunuan ang ating bansa? Si Grace Poe talaga? Paulit-ulit ako? CHAR!

Hay nako, less than 6 months na lang at eleksyon na naman, Totodo na ang siraan at batuhan ng tae sa kanilang mga mukha. This is going to be dirty, I can feel it! Parang ito lang...

Monday, November 23, 2015

Nega

For the past few days, panay nega posts ang nababasa ko sa Facebook. Hindi ako magmamalinis dahil dati, ganito rin ako - parinig sa kaibigan o kakilala, reklamo sa trabaho, buhay at sa kung ano man ang maisip ko. Imagine how many friends read my post? What do they think of me? I know I'm part of the WAPAKELS generation, but still, image is important.

As I grow old, I realized na hindi siya nakakatulong ang nega posts ko, bagkus, nakakasama pa. I realized na hindi naman lahat, dapat isinasambulat sa madla. There are things that we need to keep to ourselves. Hindi lahat, dapat pinapakialaman. Mas lalo na kung wala namang tayong konkretong kaalaman sa isang pangyayari o sitwasyon. Kumbaga, abuse of freedom of speech.

So here's what I'm gonna do - as much as I can, I will post feel-good status sa Facebook or social media. Para lang maiba. Para pampagaan ng araw. Para masaya. 'Yun naman ang mahalaga, 'di ba?

I'm not gonna promise na 100% eh ganyan lang ang posts ko pero dadamihan ko. Kung may nega comment man ako, sasarilinin ko na lang or might as well, create another account na private at walang friends - para lang mailabas ko ang saloobin na hindi nangangailangan ng like, views at share. Kumbaga, 'wag nang mandamay sa nega vibes.

Eto ang una - masarap talagang mag-food trip sa palengke. Tabi-tabi lang ang kakainan at mura pa! Nakarami ako ng isaw at baga. Nauhaw ako kaya bumili ako ng buko juice sa plastic. Hindi pa ako na-satisfy kaya banana Q naman ang nilantakan ko. Haaayyyy... sarap kumain. Next year na ako diet. Sayang ang handa sa Pasko at Bagong Taon.


PS: Hindi kasali dito ang mga epaloids na pulpulitiko kaya 'wag kayong ano. Lalo pa't nalalapit na ang eleksyon. NAKA! Maglilipana sila na parang lamok na may dengue na sisipsip sa mga dugo natin at mag-iiwan ng sakit. Ingat tayo sa kanila. PAK!

Wednesday, November 18, 2015

Basic

Trending na balita ngayon si Alma Moreno. I bet most of you ay napanood na ang interview niya with Karen Davila sa ANC. If not, here's the video...

TBH, hindi ko muna pinanood nang buo kasi unang bahagi pa lang, ang sakit na sa puso. Tapos kanina sa opisina, together with some officemates, ay pinakinggan namin. OMG! I can't believe that she's really running for the senate. I mean, ang basic lang ng mga tanong ni Karen Davila - RH bill, anti-discrimination bill, BBL, political dynasty and Alma's reason for running. Wala ni isa diyan ang sinagot niya ng deretsahan with strong conviction and credibility. Are we going to shade the circle beside her name come 2016 elections?

May pumuna rin sa paraan ng pagtatanong ni Karen. Unprofessional daw at medyo nagmatalino si ateh. ABA! Alangan naman magtanong siya tungkol sa pamilya at buhay pag-ibig ni Ness? Senator ang inaasam niyang posisyon, hindi muse ng barangay. Siyempre, dapat napapanahon at may kinalaman sa batas at paggawa nito, noh?! How I wish mag-guest din dito si Manny Pacquiao and other candidates nang magkaalamanan na.

Oo nga pala, she's running under United Nationalist Alliance (UNA), ang political party ni VP Jejomar Binay. ALAM NA!

Monday, November 16, 2015

Ang Viva Hot Babes, 'Tabon Cave' at Glide (final part)

Back to the present, active pa rin tayo sa diligan portion. Of course, we always practice safe sex. At mas nae-enjoy ko na rin ang 'exploration of the cave'. You know why? Kasi hindi na lotion ang ginagamit ko. May lube naman pala. KALOKA! Kung mas maagang ko lang nalaman 'yan, eh 'di sana, iba ang itinakbo ng eksena sa part 1.

Matapos kong ma-consume ang mga sachet ng lube na ipinamigay ng Manila Social Hygiene Clinic noong nagpa-HIV test ako, I'm now using Glide, the premium lubricant offered by Bliss, the brand behind Fire and Ice lubes.

Unlike the other brands in the market na parang toothpaste ang peg, kakaiba ang packaging nitong Glide - airless pump bottle. Pindot-pindot bago humindot. CHAROT! Hindi rin dyahe bumayla sa drugstore kasi discreet ang kulay ng karton. Walang agaw-pansin na image sa ibabaw.

Mga kuya, sa akin niyo i-try 'yan!
Nang first time kong gamitin, AY MGA 'TEH! Garantisado ang 'andar ng barko'. Mapayapa ang alon at maganda ang panahon. Feeling ko, 'sing ganda ko si Rose bago lumubog ang Titanic. Ganon!

Dahil magpapasko na at ramdam ko ang walang sawa niyong suporta, bet ko rin na maramdaman niyo ang 'pagsakay sa barko'. 3 lucky readers will win, not 1 but 2 bottles of Glide na may kasamang magazines from our Balikbayan Package. Have a look...

Just send me an email at bongganatodopa[at]gmail[dot]com and put this as the subject: Sa Bliss, ligaya'y walang mintis. Tell me your name, location, age at kung ano man ang gusto niyong sabihin. Medyo R18 ang raffle na ito mga ateng, kaya dapat nasa legal age na tayo kung sasali. Deadline of entries is on November 29 at kinabukasan ay agad-agad malalaman ang mananalo kaya join na kayo!

*Glide is now available at Watsons, Mercury Drug, PCX and Lazada.

Sunday, November 15, 2015

Ang Viva Hot Babes, 'Tabon Cave' at Glide (part 1)

A few years ago, may naging constant ka-chorvahan akiz. Na-wrong send daw siya sa akin at nilandi ko naman. Buti na lang at otoks or else, sinampal ko siya from left to right a million times.

Nakatira siya sa isang apartment somewhere in Cubao. Pinupuntahan ko siya with matching chichirya and cookies from the grocery. Magdadala rin ako ng VCD ng Viva Hot Babes pampagana. At kapag nasa rurok na, ako na ang magsho-show. CHAREEENGG!!! Pero 'buko juice' lang ang keri ko kasi 'pure and clean' pa ako during that time.

From Cubao ay lumipat siya near Payatas. Halos maligaw ako sa biyahe. Nagkita kami sa may Litex overpass. Nandun siya malapit sa nagbebenta ng baga at balun-balunan. Buy ko muna siya ng Red Horse Grande, request niya.

Litex overpass
Image from Wikimapia
Nag-tricycle muna kami at naglakad sa masikip at madilim na iskinita bago narating ang kanyang loft. Medyo kyorkot nga pero walang arti-arti sa baklang makati ('wag pamarisan, please!). Nomo muna siya habang ako'y nagpapahinga. Para akong natagtag sa biyahe. Sa pagod siguro, medyo tinamad akong chorvahin siya. Eh may tama na pala, so bet na bet na niya. Ako pa ba? Sige na nga!

Maya-maya, may ibinulong siya. Gusto daw niyang pumasok sa 'Tabon Cave'. Agad akong tumanggi dahil ayaw ko pang madungisan ang dangal ko tsaka baka masakit. Hindi daw at gagamit ng lotion. Kinabahan ako nang bonggang-bongga pero owkay.

Kumuha siya ng lotion sa may tokador at todong tinaktak. AMP! Ubos na yata at halos puro hangin ang lumalabas. May parang tunog pa ng utot sa tuwing pipisilin niya. Ano ba 'yan! Subalit pursigido siya na i-explore ang 'kweba' kaya sinaid niya ang laman. Pati 'yung mga nanigas na lotion sa takip, hindi pinalagpas.

Pinahid na ang 'pampadulas' at dahan-dahan niyang pinasok ang 'cave'. SYET! ANG SAKIT! 'Yung feeling na nakasakay ka sa barko habang bumabagyo. Halos itulak ko siya para makalabas sa 'kweba'. Quick-dry pala ang lotion. POTAH! Never nang naulit ang eksenang iyon hanggang sa kami ay magkalimutan.

Tatapusin...

Friday, November 13, 2015

Bekitaktakan

I attended Blogapalooza 2015 last month at habang naglalamyerda sa event ay inapproach ako ng kapwa blogger na si Jonathan Orbuda (I Love Tansyong and Cute Pinoy Portal) to do an interview. First time kong ma-invite for a podcast at hindi ko alam kung anong mga itatanong. Waley naman akong inhibitions sa katawan so no more paligoy-ligoy pa at pumayag akez.

Nakakahiya man eh hayaan niyong i-share ko sa inyo ang aming bekitaktakan. Sana lang eh masustansya 'yung mga pinagkukuda ko ahahaha!

Here's my shameless and unadulterated interview...



*Original article posted here.

Thursday, November 12, 2015

Trak

Image from GMA News
Ginabi ako ng uwi kanina. Medyo napa-OT sa opisina, naabutan ko tuloy ang mga naglalakihang trak sa kalsada. Patawid na ako para sumakay ng jeep nang biglang may batang sumulpot sa likuran at inaalok ng sampaguita ang kasabayan ko. Lahat kami ay nagmamadali at baka abutan ng red light sa highway. Naiwan siya sa gitna. I had a glimpse of the child. Pasado alas-diez ng gabi, sa kinakalkal na daan, andun siya. Pumasok sa harang na nilagay ng DPWH at nagpaikot-ikot habang sa tabi ay mga naglalakihang sasakyan na nag-aantay ng go signal. Isang eksenang hindi ko ma-take. Mas matangkad pa ang isang gulong ng ten-wheeler sa kanya pero andun siya para maghanap-buhay. Nag-aantay ng taong bibili ng mga bulaklak.

Hindi dapat ganun. Hindi dapat nakikipag-patintero sa mga sasakyan ang tulad niya. Dapat ay natutulog na siya at kinakalinga ng mga magulang. May maayos na pananamit at kung naglalaro man, hindi sa delikadong lugar. Isang pagkakamali lang ng mga driver, maari siyang mapahamak. I've been seeing this scenario almost everyday of my life. Hindi ko tuloy maiwasang maisip, nakikita ba sila ng gobyerno? Kapag binoto ko ba si Mar Roxas, matutulungan kaya sila? Eh kung si Grace Poe o Binay, kokonti kaya sila o baka dumami pa? Hanggang saan ba makakarating ang isang boto ko?

Ang sakit sa puso na makakita ng batang tulad niya.

Ang hirap makapili ng susunod na lider ng bansa.

Wednesday, November 11, 2015

Patutsada

Bukod sa pageants, sunud-sunod din ang labas ng magagandang kanta ngayong 4th quarter ng 2015. I'm sure, tulad ko eh updated na ang playlist niyo. Heto ang ilan sa dapat idagdag sa listahan natin...

Nagbabalik agad ang Mariah Carey of this generation. This is the first single from her upcoming 3rd album na next year pa ang labas. 'Di ko nagustuhan noong una kasi parang katunog ng Problem single niya. May lalaking nagsasalita din sa chorus. Eventually, sa kakakinig ay nagustuhan ko na rin. Tulad niya, dapat todo pokus din tayo sa paghahanap ng ohms. PAK!

Ang pinaka-inaabangang pagbabalik ng reyna ng pighati ay naganap na at talaga namang pasabog si Adele. Kinabog niya ang record ni Taylor Swift for the most viewed music video in 24 hours sa Vevo. 27.7 million lang naman ang record niya. Mahigit isang milyon kada oras ang nanood noong October 23. BONGGA! Pahihirapan na naman niya tayong kantahin sa videoke 'to. Ang taas eh!

Napanood ko 'tong si Justin Bieber sa Ellen at tadtad na pala siya ng tattoo. Ang layo na dun sa Baby, Baby, Baby Oh My niyang itsura. Kumalat din ang paparazzi nude photos niya. Infairness, daks si baby huh! Na-miss kaya ni Selena Gomez ang nutring niya? CHAR! Anyways, kakaaliw 'tong song niya. Kakaiba ang beat na talagang mapapasayaw ka.

Comeback din ng isa pang Queen of Pop na si Janet Jackson. This time ay kasama niya si Missy Elliot for BURNITUP! Feels like late 90's to 00's ang tunog. Kakamiss 'yung rap ni Missy. Walang wala sa mga female rappers ngayon. Waiting pa sa official music video nito, but hopefully, magkaroon na. Busy lang siguro si madir sa world tour.

Aminin man o hindi, obvious from the lyrics hanggang sa melody ng Perfect na ito ang sagot ni Harry Styles sa mga patutsada songs sa kanya ni Taylor Swift (lagi na lang nating nababanggit ang babaitang 'yan). Katunog pa nga ng Style. Perfect si ateng eh. Maganda, talented, matangkad, balingkinitan, at habulin ng masasarap like Calvin Harris! SIYA NA TALAGA! 

Sunday, November 8, 2015

Miss International Queen 2015 and Miss International 2015 winners

Sa huling dalawang buwan ng taon, ratsada ang iba't ibang pageant sa iba't ibang panig ng mundo. The more, the merrier! Dahil likas tayong competetive at mahilig sa pagandahan, hindi rin nakapagtatakang angat tayo sa karamihan.

Photos courtesy of EPA/Mail Online
Let's KUNGRACHULEYT Trixie Maristela for winning Miss International Queen 2015. Out of 26 candidates, siya ang nakapag-uwi ng koronang minsan nang naisuot ni Kevin Balot. Si Miss Brazil ang 1st runner-up at si Miss Thailand ang 2nd runner-up. Pati placing noong 2012, parehong pareho!

Bukod sa ganda at rampa, todong nagpanalo sa kanya ang kudaers niya sa Q&A.

Q: How do you compare beauty inside and beauty outside?

A: Beauty from the inside starts from the heart. But beauty from the outside is just a physical appearance. In the end, what matters is that your beauty in the inside will radiate outside. Because a true queen does not want just a beautiful face or a gold... golden crown. But a true queen also possess a golden heart. 

Tila nga naulit ang eksena sa Miss Gay Manila 2015 dahil kasali din dito si Super Sireyna 2013 Francine Garcia. Hindi man nakapasok sa top 3 ang byuti niya, at least, pumasok pa rin sa top 10 together with another Transpinay, Michelle Binas.

Janicel Lubina in National Costume competition
Isa pang dapat ipagbunyi ang PAK na PAK na performance ni Janicel Lubina sa Miss International 2015. From national costume, swimsuit, evening gown hanggang final speech, napahanga niya talaga ang mga pageant fanatics. Nakapasok siya sa top 10 at nanalong Miss Best Dressed which is equivalent sa Best in Evening Gown. Ang bongga naman kasi ng obra maestra ni Leo Almodal. I can't help myself but to compare it sa pamosong gown na isinuot ni MJ Lastimosa sa Miss Universe. See for yourself...

Oh de vaah?!? Parang may pagkakatulad pero ang laki ng agwat kung disenyo ang pag-uusapan. Nako Madame Stella huh, nakakadalawang award ka na from Pinoy fashion designers kaya kapag moment na ni Pia sa Miss Universe, dapat ganito rin kabongga! 

Miss International 2015: Venezuela
1st runner-up: Honduras
2nd runner-up: Kenya
3rd runner-up: Vietnam
4th runner-up: USA
Si Miss Venezuela Edymar Martinez ang nakapag-uwi ng korona. Pang-pitong MI crown na nila 'yan! Mas natuwa ako na for the first time, may African candidate na naging runner-up, si Miss Kenya. Tsaka eto rin ang highest placement ng Vietnam bilang 3rd runner-up.

KUNGRACHULEYSHONS SA LAHAT!

Thursday, November 5, 2015

Billboard

Nagagawi ba kayo sa may Santolan-EDSA malapit sa Camp Crame? P'wes, kung diyan ang daan niyo sa tuwing may pupuntahan kayo, malamang nakita niyo na ang todo sa pansin na billboard na 'to...

Noong una kong makita 'yan, hindi ako makapaniwala! Baka joke time lang. Ang layo naman kasi nung before sa after. Akala ko pa nga, beks ang model. Aura ba naman ang name. Well, upon checking sa Facebook page ng medical spa, tunay siyang merlat - may asawa't anak pa. Infairness sa strategy huh, effective!

Kaya 'wag tayong mawalan ng pag-asa, mga ateng! May ibobongga pa ang ganda natin. Mag-ipon nga lang tayo at mukhang kailangan ng limpak-limpak na salapi para ma-achib natin ang gandang pang-billboard. Malay mo, malay ko, isa na pala sa atin ang susunod sa yapak niya...

PAK NA PAK NA PAK NA PAAAKKK!!!