Monday, February 29, 2016

Dumungaw

'Di ko pa pala naku-kwento itey sa inyo. Muntik nang mapanis ang mga ulam na 'to.Late last year ay dalawang sexy bikini shows ang napanood ko with my friend James. Una ang Lakan ng Kalakhang Maynila.

JUICE KO MGA 'TEH! Water-water 'di lang akez kundi lahat ng audience sa sobrang pagka-seksi ng kumpetisyon na itey. Ang ku-cute ng mga contestants tapos may butas sa gitna ang bikini na suot nila. 'Di maiwasang may dumungaw na black pansit with a little kabute.

Ang sherep panoorin! Bongga ang view ko sa gitna bandang harapan. Kulang na lang, mag ala-Valentina ang dila ko para maabot ang masasarap na putahe. Instant crush ko nga si 2nd runner-up kasi ang cute niya ngumiti. Sayang at 'di ko na matandaan ang namesung.

Next ang Metro Hunks International na ginanap sa 690, hindi sa Divisoria kundi sa Roces Ave.

Todo-puno na ang venue nang dumating kami so no choice kundi pumwesto sa 2nd floor. Keri na rin kasi sightsung din namin ni James ang ganap sa baba. Mas tamed ang show na itez kumpara sa Lakan.

Mga baguhan at beteranong bikineros ang pinagsama-sama, kasama na diyan si Albert Gonzales. Sayang at 'di niya sinuot ang "supot" na nagpasikat sa kanya. Medyo mahaba ang tinakbo ng palabas kaya jumuwelay na kami bago pa ma-announce ang winerva.


Update ko kayo ulit kapag may narampahan akong bagong bikini show!

Tuesday, February 23, 2016

Bestida 2.0

If you can still remember Nanay Dory from our post last month, matutuwa kayo dahil na-feature ulit siya; this time ay sa ABS-CBN naman. She's gonna celebrate her 100th birthday on March 7. Centennial celebration, parang Independence Day lang noong 1998. Dahil may exposure ulit, hindi pwedeng hindi magpaganda ang lola natin. Kulay ginto ang bestida na may raffles pa rin at kuntodo hikaw with matching rose clip sa hairlelet. Siya talaga ang epitome ng BONGGA KA 'DAY! At kung sa ganitong edad ay nag-uulyanin na ang iba nating lowla, p'wes iba siya.

Default News template and player embed

Click here to read the article.

Sunday, February 21, 2016

Hamak

Medyo umay na ako sa Pacman vs. LGBT issue na hanggang ngayon ay trending pa rin. Maiba tayez. Sad news para sa mga Pinoy CD at DVD collectors, 'yung original huh! Wala na pala ang Odyssey sa 1st floor, building A ng SM Megamall. Happy news - lumipat lang sa 4th level, building B pero 'di hamak na mas maliit ang pwesto. Wala pa sa kalahati nung dati. 'Wag naman sanang sumunod ang Astroplus na nasa 3rd level.

Image from Universal Records Blog
I-deny ko man o hindi, patuloy na kumokonti ang tumatangkilik ng physical copies. Ang dali na lang kasing i-download sa Torrent ang mga pelikula at unli-streaming naman ang offer ng Spotify at Spinnr. Libre na, easy access pa kumpara sa 199-600 pesos na halaga ng orig.

Bet ko sanang bumayla ng Nine Track Mind ni Charlie Puth bilang pagbibigay-pugay sa bonggang rampa ni Pia sa Miss U pero waley. Kung online ko bibilhin, papatong ang shipping fee at tax sa presyo. Talo sa budget. Insert umiiyak na smiley here. CHOS!

Kaya bago mahuli ang lahat, nag-hoarding na akez ng mga DVD ng paborito nating gay indie. From 350 ay naging 150-199 na lang. Infairness dito sa Ben & Sam, maganda pala. Malinaw na malinaw ang frontal sa Ang Laro ng Buhay ni Juan. At sa wakas, kumpleto na ang DVD series ko ng mga pelikula ni Marco Morales. Patay na patay ako sa kanya dati.

Masakit man pero kailangan tanggapin. Eto ang downside ng pagbabago ng panahon, nawawala ang mga bagay na kinasanayan na. Wala ibang dapat gawin kundi yakapin at tanggapin.

Wednesday, February 17, 2016

Masahol

Oh! Nag-sorry na si Pacman sa kanyang "masahol pa sa hayop" na statement. Subalit matibay ang kanyang paninindigan na hindi dapat magsama ang lalake sa lalake at babae sa babae. Nakaka-stress ang mga comments sa FB at ang sakit sa mata ng mga kumo-quote ng Bible. Kesyo lalake at babae lang daw ang likha ng Diyos. Hindi daw tayo belong diyan. Malinaw na diskriminasyon sa espiritwal na aspeto. Sa trulili lang, gustung-gusto kong pumatol.com at mag-comment back kaya lang, mahirap makipag-batuhan ng opinyon kung relihiyon ang pag-uusapan. Pinigilan ko na lang para iwas stress. Baka maaga lang kumulubot ang fez ko. Hindi naman nila ako bibilhan ng anti-ageing cream noh?!

Nag-post din sa kanyang IG account si Jinkee P. Wearing her pink dress and studded pumps, holding her phone like she's reading something with her expensive bag on the side na hindi ko alam ang tatak pero alam naman natin na mahal. May caption na "Haters gonna hate" at "Godbless everyone". BONGGA! Si Taylor Swift ang peg. ♪ Shake it off, shake it off! ♫ BTW Senyora Pacquiao, ang God bless po ay two words.

Swipe pa more sa iba niyang picture at napansin ko, gamit na gamit ang salitang "God" sa mga caption. Ang dami din Bible at inspirational quotes. Kapag dumating ang paghuhukom, tiyak na maliligtas siya at sa langit ang punta. Ay wait! Baka lumagpas pa, mapunta sa ibang galaxy. CHAROT LANG! Baka i-bash tayez ng mga kapanalig nila, lagot tayo.

Monday, February 15, 2016

Tinta

AY! PIGILAN NIYO AKO, MGA 'TEH! Hindi kineri ng puso't atay ko ang statement ni Pambansang Kamao. Entitled siya sa kanyang opinyon pero tama ba naman na mas mabuti pa daw ang hayop kesa sa atin? Ang linis niya huh, parang binabad sa Ariel sebenpipti. NAKAKALOKA! Eh 'di ba, may tsismax na magpapastor din siya? Ganyan ba siya magsasalita sa harap ng mga kapanalig niya? As early as now, sure na sure akez na lalagpasan ko ang namesung niya sa balota. Sayang ang tinta ng ballpen.

AY OH! Taas ng standing niya sa SWS survey. Kinabog sina Leila De Lima, Dick Gordon at Joel Villanueva. Sa trulili lang, paano siya magiging epektibong senador kung wala siyang matibay na background sa pulitika? Nanungkulan nga sa kongreso pero halos hindi pumasok. JUICE KO PONG TANG PINEAPPLE! PATAWARIN! Mga ambisyosang kandidato, nawa'y hindi manalo.

Sunday, February 14, 2016

Okupado

Happy Valentine's Day, mga ateng! I AM SO BACK! This is the longest time na hindi ako nakapag-blog. Wit ito dahil tinamad akez o ayoko na magsulat. Dumating kasi si La Pudra at ilang araw tumuloy sa balur. Sa kwarto ko siya natulog at nagkataon na andun din ang PC na ginagamit ko sa pagsusulat. Mga ilang araw ko siyang hindi magamit dahil okupado ang aking private sanctuary. Sa ngayon ay back to the province na siya.

Busy si La Pudra sa daan
Naging busy din akez sa trabaho bilang napromote ang byuti ko. From GRO ay Senior GRO na ako. CHAROT! Alam niyo naman, ang baklang gipit, sa promotion kumakapit. Need ko ng time to ready myself for this new experience. Minsan lang kumatok ang opportunity so grab lang, di ba?! Wala namang mawawala kung susubukan.

Mabalik tayo sa Valentine's. Balak ko sanang mag-SM kanina para mamasyal kaya lang baka ma-bitter lang ako sa mga mag-jowang HHWW. Kaya ayun, sa palengke na lang ako pumunta at kumain ng banana-q at isaw. Pagka-uwi, naglaba hanggang pumudpod ang mga kuko. Tinatanong sa sarili habang nagbabanlaw "Bakit wala pa si Mr. Right? Nasaan na ba siya?". Well, darating din siya sa tamang panahon. Si Yaya Dub nga, may Alden na eh.

Mar, PNoy and Leni
Nagsimula na rin pala ang campaign season noh?! Limang presidentiables, iisang pwesto. So far, kay Mar ang boto ko. Dumu-Duterte na sana akez kaya lang, parang nakakaramdam ako ng inconsistencies sa mga sinasabi niya. I wanted Miriam but she looks very weak. Magpagaling pa sana siya because we need someone like her in the government. Haaayyy... wala pa talagang certain. Baka bukas, iba na naman ang nasa puso't isip ko. I really have to research more para sa mga iboboto ko sa Mayo. Kinabukasan natin ang nakataya dito kaya let's be more responsible.

Umpisa pa lang 'yan ng ating kudaan. I'm so happy to be back at marami pa akong lulutuing putahe para sa inyo. Love love love!