Saturday, April 30, 2016

Paskil

Kumustasa, mga ateng? Ni-renovate ko ang ating karinderya at nagpaskil ng bagong karatula para pasukin tayo ng mas maraming parokyano. Nag-try akong gumamit ng free template online pero todong sumakit ang ulo ko sa CSS codes kung ano man 'yan. Ending, sa simple template din ako bumagsak.

Siyam na araw na lang at botohan na. Nakapili na ba kayo ng mga iboboto? Kung hindi pa o naguguluhan kayo kung sino ba talaga, I highly suggest you watch the YouTube videos of the debates. Makakatulong ito nang malaki para sa inyong desisyon. Don't let social media influence you. Ang daming nagkalat na fake news at memes. 'Wag magpapadala sa hype. Be responsible and do your own research.

Ang daming nagkalat na masasarap na ulam sa Instagram. Araw-araw akong gutom dahil panay abs, biceps, dibdib, waput at bukol ang labanan. May mga before and after pic nga 'yung iba at NAKAKALOKA! Talagang bumongga ang appeal nila after lumalak ng protein eme, amino kiyeme at magbabad sa gym.

Siyempre, share ko sa inyo ang blessings. Ang tunay na magkakashupatemba, naghahatian ng laps. Kuha na kayo ng plato at eto na sila...

Primera klase talaga si Daniel Velasco. Boyfriend material at mukhang gentleman. Ay! Gusto ko pa naman ng binabastos akiz. CHOS! American model Shayne Davis captured the beat of my tilapya. Survivor siya ng gunshot at inspiring ang story niya.

Familiar ba kayo sa billboards ni Ali Harris along EDSA at C5? Ang init na nga sa daan, mas pinag-init pa niya. Eto talaga ang masarap na transformation ni Derrick Monasterio. From pa-sweet to delicious hunk. 'Di ko nga lang maalis sa isip ko ang video kung saan hinimas niya ang nota ni Alden. SHEREP!

Terence Lloyd is my bae. Ang tagal ko na siyang fina-follow sa IG at FB and infairness, ang bait niya. Etong si Sean Nabon ay isang Pinoy based in the US. Aliw ako sa Snapchat niya na usually ay shirtless siya. Kung mahilig kayo sa pakili-kili, follow niyo siya sa IG at tiyak ang inyong kabusugan.

Gumora sa Christmas party ng kumpanyang pinapasukan ko 'ton si Wil Dasovich. Wit nga lang akez nakarating sa tindi ng traffic. Century Tuna Superbods finalist Ameen Sardouk is hot AF. Pwede kaya natin siyang mahalin?

Another Century Tuna Superbods finalist itong si Culver Padilla. Ay nako mga teh, talagang ang shesherep ng pics niya sa IG. Grabe din ang kanyang katawan. Pang-romansahan hihihi! Good boyfie ang arrive ni Josh Cordoves. Na-sight ko siya sa Missosology dahil sister pala niya ang Bb. Pilipinas - Grand International 2016 na si Nicole Cordoves. I declare na siya ang bagong prinsipe ng ating karinderya. 

Monday, April 11, 2016

Papanigan

Trew to the pangako of Madame Stella Marquez de Araneta, full support na siya sa mga Filipino designers for Binibining Pilipinas. Isa na diyan ang Pegarro Swim, the official swimsuit sponsor this year. There are two major major people behind this brand - Creative Stylist Domz Ramos and Fashion Designer Julius Jaguio (pronounced as hag-yo). Proud na proud akez dahil si Julius ay personal friend ko. I'm so happy for his PAK na PAK na success!

Rumampa in their sexy swimwear ang cuarentang binibinis last March 29, for their Press Presentation at noong Sabado, April 9, for the Grand Parade of Beauties sa Araneta Center. Ang hirap mamili ng papanigan dahil halos lahat ay palaban. Napaka-strong ng 2016 batch at sure ako na hindi lang ako ang todong nahihirapan kundi lahat ng tagasubaybay nito.

Sila ang umangat sa aking panlasa...

Toned na toned ang wankata ni Vina Openiano. Isa sa top favorites ko itong si Lina Prongoso. Makakuha din kaya ng korona si Nichole Manalo like her beauty queen sisters?

Smize ang aura ni Kylie Versoza. Ngiti at magandang hubog ng katawan ang panlaban ni Dindi Pajares. Kapansin-pansin ang kutis at katangkaran ni Angela Valdes.

Isa pa sa matunog na pangalan para sa Miss Universe Philippines itong si Nicole Cordoves. Search niyo ang brother niya na si Josh, JUICE KO DAY! T'yak ang pagwawater niyo. I like the natural oriental beauty ni Maxine Medina. 'Pag oriental ang nababanggit, unang pumapasok sa isip ko eh Nichido, Kukuryo at Oishi. CHAROT! Basta Cebuana, certified kudaera. Abangan si Maria Gigante sa Q&A portion.

Dedicated daw sa LGBT handlers ang temang rainbow-print swimuits. Me loves it! Lakas maka-Latina/Africana ng ganda ni Sheena Dalo. Artistahin itong si Paula Bartolome. 'Di ko alam kung bakit ganyan ang ngiti ni Kristine Estoque pero like ko siya.

Sa April 17 na ang grand coronation night sa Araneta Coliseum na ibo-broadcast ng Kapamilya Network. Hihinto na naman ang pag-inog ng mundo ng mga beki sa kaba at excitement. Makokoronahan kaya ang bet natin? O may susurpresang ganda na bubulaga sa atin? NAKAKALOKA! I'm so excited na talaga!

Manatili

Kulang isang buwan na lang at eleksyon na. Final na ang desisyon ko na iboto si Leni Robredo bilang VP at Risa Hontiveros bilang senador. Sino sa inyo? Excited na ba kayong itiman ang bilog na hugis itlog? Bago 'yan, isang pelikulang napapanahon ang handog ng Unitel at Quento Media.

Labanan ng best actresses of the Philippine film industry ang Whistleblower. Cherry Pie Picache, Laurice Guillen, Angelica Panganiban at ang nag-iisang Superstar Nora Aunor ang nagsama-sama para maghatid ng pasabog na pelikula. Mga paborito ko silang lahat! Eto ang synopsis ng pelikula...
     "In a world of dirty money and two-faced politicians, Zeny Roblado (Aunor), a quiet, unassuming accountant, becomes embroiled in a dangerous struggle between the scheming Lorna Valera (Picache) and the powers Lorna serves. Desperate, Zeny turns to reporter Teresa Saicon (Panganiban) to expose the truth. But what truth will Zeny reveal? And at what price? As the lies begin to unravel, only one question remains. Can you be trusted?"
Ay oh! Nakakakaba naman ang istorya. Minsan lang tayong magkaroon ng ganitong klaseng pelikula kaya sana ay give niyo ng chance na mapanood. Graded A pa ng Cinema Evaluation Board. PAK! Noong April 6 pa ito palabas at kung bonggang susuportahan natin, malamang na manatili ito sa mga sinehan ng isa, dalawa o marami pang linggo.