Monday, April 11, 2016

Manatili

Kulang isang buwan na lang at eleksyon na. Final na ang desisyon ko na iboto si Leni Robredo bilang VP at Risa Hontiveros bilang senador. Sino sa inyo? Excited na ba kayong itiman ang bilog na hugis itlog? Bago 'yan, isang pelikulang napapanahon ang handog ng Unitel at Quento Media.

Labanan ng best actresses of the Philippine film industry ang Whistleblower. Cherry Pie Picache, Laurice Guillen, Angelica Panganiban at ang nag-iisang Superstar Nora Aunor ang nagsama-sama para maghatid ng pasabog na pelikula. Mga paborito ko silang lahat! Eto ang synopsis ng pelikula...
     "In a world of dirty money and two-faced politicians, Zeny Roblado (Aunor), a quiet, unassuming accountant, becomes embroiled in a dangerous struggle between the scheming Lorna Valera (Picache) and the powers Lorna serves. Desperate, Zeny turns to reporter Teresa Saicon (Panganiban) to expose the truth. But what truth will Zeny reveal? And at what price? As the lies begin to unravel, only one question remains. Can you be trusted?"
Ay oh! Nakakakaba naman ang istorya. Minsan lang tayong magkaroon ng ganitong klaseng pelikula kaya sana ay give niyo ng chance na mapanood. Graded A pa ng Cinema Evaluation Board. PAK! Noong April 6 pa ito palabas at kung bonggang susuportahan natin, malamang na manatili ito sa mga sinehan ng isa, dalawa o marami pang linggo.

1 comment: