HAPPY MONDAY! Pasado ala-siete na nang umaga at sana'y hindi kayo ma-late sa work. Katatapos ko lang maglaba at pagoda cold wave ang arms at legs ko kakabanlaw. Tanong niyo kung anong oras ako nagsimula? Mga ala-una lang naman. KALOKA! Night shift kasi ang byuti ko ngayon sa work kaya baliktad ang buhay lalo na kapag rest day. Gustuhin ko man mag-mall, sarado na paggising ko. Keri na 'yun, at least tipidity.
Ang gulo-gulo sa gobyerno ngayon, noh? Tapos kapag may pinost kang against sa mga nagaganap, instant dilawan ka kaagad. 'Di ba pwedeng neutral? 'Di ba pwedeng Pinoy na nagnanais lang nang maayos na buhay sa pangunguna ng mga inihalal ng bayan? Hay nako, ewan ko ba sa kanila. Dalawang panig lang ang nakikita, DDS at mga dilawan. BALAKAYOJAN! Basta mga ateng, kapag mali ang isang bagay at ipinipilit na ito ay tama, aba mag-isip na tayo. IBA NA 'YAN!
Recently ay nagustuhan ko ang version ni Gail Blanco ng Just Because na original ni Anita Baker. May version din si Jaya at pa-ul-ul lang ang dalawang 'yan sa playlist ko. Kapareho ko ba kayo na kayang makinig ng isang kanta sa buong araw? Minsan isang linggo pa bago ko palitan. Walang umayan ahahaha!
Feeling ko, marami pang ganap na mangyayari. Hopefully, it's for the benefit of the Filipino people na at hindi lang ng few privilege ones. We are more than 100 million at kung hindi man lahat, sana ay makaramdam ng kaginhawaan sa buhay ang karamihan.
No comments:
Post a Comment