Sunday, September 9, 2018

#BekiProblems

As you all know, mga ateng, BER months na at 8 years ko na rin yatang sinasabi dito sa ating kaharian na nakaka-happy talaga ang season na 'to. Although three months away pa ang Pasko, nagsisimula na ang ilan sa atin na magsabit ng mga Christmas lights at parol. Dadami na rin ang mga bazaars at tiangge sa daan at malls. Oh my! Sana naman mura pa rin ang paninda kahit sobrang taas ng inflation rate ngayon. KALOKA!

Isa pang rason kung bakit masaya ang pagpasok ng Setyembre ko ay ang librong Beki Problems na sinulat ni Jonison Fontanos, ang direktor ng indie film na Kumpare. Medyo rare na ang publication ng LGBT-themed books sa ngayon dahil going digital na ang ilan, kaya todong na-excite ako nang makita itez sa FB. Agad-agad akong nag-send ng private message sa author at tinanong kung paano makakabuyla. Hindi lumipas ang isang araw at nagkaroon ako ng kopya. Ang bilis!

May 34 entries ang libro, chapter kumbaga pero entry ang word na ginamit. Unique, 'di ba? Unang entry pa lang, napahalakhak na talaga ako! Bet na bet ko ang bida, hindi yayamanin at pretensyosa. Umaasa lang na makatagpo ng lalaking mamahalin at magiging loyal sa kanya. Kumakain pa siya sa lugawan at sumasakay ng tricycle. Sobrang relate! Pati ang mga lugar na pinuntahan niya, pamilyar din. Lakas maka-good vibes! Parang true-to-life story talaga.

Pinaka-bet kong entry 'yung tungkol sa chinitong moreno na tricycle driver na gustong ligawan ang bida. Nakakainis na nakakakilig! Bakit hindi na lang siya? Bakit iba pa ang hinanap? Oh, hanggang diyan na lang 'yan. Kung na-curious kayo, buy a copy for only 250 php. Go and support Ateng Joni! Baka magkaroon ng book 2 kung bebenta nang husto. Sana, sana!

To purchase, please contact Jonison Fontanos through his Facebook account.

No comments:

Post a Comment