Dahil din kay Ompong, postponed ang taunang UPCAT. Unahin muna ang safety ng kabataan tsaka more time ito para sila ay makapag-review pa. Best of luck sa kanila!
Isa pang postponed ay ang kauna-unahang Mister World Philippines competition. Dapat sana ay sa Sabado na itez (September 15) but of course, may umeksenang bagyo. AMP! Kahit siguro itinuloy itez, hindi mapipigilan ang 'sangkabaklaan para manood. Kesehodang lumangoy pa kami sa baha, rarampa kami diyan!
Unang beses pa lang magkakaroon ng MrWP dahil appointed ni Madame Cory Quirino at ng Miss World Philippines Organization sina Andrew Wolff, John Spainhour at Sam Ajdani. OH! Binanggit ko lang sila, nag-water na kayo. P'wes, ihanda niyo pa ang mga sarili niyo dahil labing anim na nagsasarapang otoko ang maglalaban-laban para sa titulo. Wit niyo kakayanin ang kalidad ng mga sumali. Upper echelon compare to other local male pageants. 'Di nga me sanay kasi panay bikini contests ang watch ko. CHAR!
Medyo conservative din ang MrWP dahil walang swimwear round. Walang nagsisikipang trunks. ANO BA! Well, wala rin kasi ganun sa Mister and Miss World kaya hanggang boardshorts na lang ang pinakasexy nilang sinuot. NAKAKABITIN! 'Yung parang puputok na sana pero naunsyami. CHOS! Sherep pa rin naman kaya keri na.
Eto na, ihahanda ko na sa ating karinderya ang 16 contestants. Tanong nga ni makiring Taylor... are you ready for it?
Joshua Banatin (mahal ko talaga siya!)
Denver Hernandez
Robin Hanrath (ako yata ang Cinderella niya)
Mark Comiso (makatunaw-panty po siya tumingin)
Ameen Sardouk
Marco Poli (ang gwaps!)
Emir Abbo (cutie pie much!)
Adbullah Cheng
JB Saliba
Wilfred Placencia
Reymart Regis
Ricardo De Jesus
Karl Louie Aragon
Miguel De Castro
Mark Jero Bagaporo
Joy Jerom Evangelista
So kailan na ang finals night? Abangan natin ang announcement sa kanilang Facebook page.
No comments:
Post a Comment