Monday, December 10, 2018

Salamat 9.0

Quarter 4 is considered as pageant season at hindi magkumahog ang fans sa pag-follow nang sunud-sunod na pasahan ng korona all over the world.

Miss Grand International 2018: Paraguay
1st runner-up: India
2nd runner-up: Indonesia
3rd runner-up:  Puerto Rico
4th runner-up: Japan
Una sa listahan ang Miss Grand International 2018. Myanmar ang host country at noong October 25, tinanghal na grand winner si Clara Sosa from Paraguay. Runners-up sina misses India, Indonesia, Puerto Rico and Japan. Wow, 3 out of 5 ay Asian. Loves it!


Pinakabata sa anim na big pageants pero madami na kaagad ang fans ng pageant ni Angkol Nawat. Maaalala mo ang Trump era ng Miss Universe sa format ng kompetisyon. Baklaan kung baklaan din sa rampahan ang mga merlat. Kung dati at suki tayo sa runner-up position, waley tayo this year. Although isa si Eva Patalinjug sa pinakamagandang Binibinis ever, mukhang nakaapekto sa scores niya ang muntik niyang pagkatumba sa preliminaries.

Miss Earth 2018: Vietnam
Miss Air: Austria
Miss Fire: Mexico
Miss Water: Colombia

Photo courtesy of ABS-CBN
Sunod ang Miss Earth 2018 na ginanap dito sa ating bansa noong November 3. For the first time ever, bonggang nanalo ng major crown ang bansang Vietnam. Isa sila sa emerging countries na pak na pak ang performances sa international pageants. Pati mga kalalakihan nila, winners din! Actually mas interesado ako sa kanila. CHOS!

Miss Air si Melanie Mader mula Austria na may dugong Pinoy at Miss Fire naman si Miss Mexico. Third year in a row nang nasa top 4 ang Colombia. Malay natin next year, sila na ang makoronahan. Pasok naman sa top 8 si Miss Philippines Celeste Cortesi na may nakakalokang sagot during the #hashtag round:


Ano daw?!?

Miss International 2018: Venezuela
1st runner-up: Philippines
2nd runner-up: South Africa
3rd runner-up:  Romania
4th runner-up: Colombia
Naiuwi naman ng Venezuela ang ika-walo nilang Miss International title. Hindi ko sinabing korona kasi sash lang ang dala ni Mariem Velazco. Expensive yatang ilabas ng Japan ang Mikimoto crown kaya minsan lang natin makitang suot ito ng mga reyna. Punong-puno ba naman ng perlas eh, talagang mahalya!


Sinwerte naman tayo ditez dahil first runner-up si Ahtisa Manalo. Mala-Barbie sa kaamuhan ang fez ni mamah oh! May resemblance din kay Kylie Versoza. I guess it's too soon for us to win again the title kaya keri na ang pangalawang pwesto. Second runner-up si Miss South Africa na sinundan ni Miss Romania at nasa ika-limang pwesto naman si Miss Colombia.

Miss Supranational 2018: Puerto Rico (middle)
1st runner-up: USA (rightmost)
2nd runner-up: Poland (second to the left)
3rd runner-up:  Indonesia (second to the right)
4th runner-up: Mexico (leftmost)
Last week ay sa parehong December 8 ginanap ang Miss Supranational 2018 at Miss World 2018. Salamat na lang at magkaibang timezone or else, baka nagamit ang split-screen ng ketay para mapanood nang sabay.


Pasok sa top 10 si Jehza Huelar na glowing during the swimsuit at evening gown round. Sinong magsasabing nasira ang zipper ng gown at todong tinadtad ng perdible ang likuran? Dinaan niya sa kavoguerang ikot kaya hindi nahalata during the final night. Hindi naman tayo dapat malungkot dahil may Pinay pa ring nakapasok sa top 5. Remember Bb. Pilipinas-Tourism 2012 Katrina Jayne Dimaranan? Siya ang nag-represent ng US of A at tinanghal na first runner-up. PANALO!

Miss World 2018: Mexico
1st Princess: Thailand
Matapos ang pitong taon na pagmamahal ni Julia Morley sa Pilipinas, mukhang na-fall out of love na siya. Hindi pinalad makapasok sa Top 30 ang pambato nating si Katarina Rodriguez. Na-disqualify pa siya sa BWAP round due to technicalities. Ano ba?!? Kaloka naman 'yan. At least, siya pa rin ang reigning 1st runner-up ng Miss Intercontinental 2017. Talaga ba?

LADIES, WE'RE SO PROUD OF Y'ALL!!!

Sunday, December 9, 2018

Datos

Nakalap na ang pinaka-fresh na HIV/AIDS data sa Pilipinas. As of October 2018, may 1,072 new cases reported sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines. Very alarming! 95% or 1,016 diyan ay mga kalalakihan at pakikipagtalik ang pangunahing rason ng transmission. You can read the detailed report on this link. Mula sa website ng DOH 'yan kaya hindi fake news.

Image from physiciansbriefing.com
Ayon sa datos, nasa 32 bawat araw ang nada-diagnose kumpara noong 2009 na dalawa lamang. I guess mas marami na kasi ang nagpapa-test ngayon. Patuloy din na nadadagdagan ang HIV Treatment Hubs na nasa strategic locations kaya mas accessible sa mga utaw. May bagong site pa ang LoveYourself sa may Welcome, Rotonda. Malapit sa mga Manileño at students along university belt. Tandaan, libre ang magpa-test kaya grab the opportunity and know your status now na! The more na maagang malaman ang estado, the more na mas maaalagaan ang sarili.


Base pa rin sa parehong datos, 306 o 29% ay nasa 15-24 years old age range. Rurok nang kalibugan ang edad na 'yan! Dami kong nakikitang alter account sa Twitter na ganyan ang hanap - twink, college or senior high school students na nasa legal age. Bareback pa ang trip nang iba. Wit ba nila knowsline na considered as high-risk 'yon? KALOKA! Well, kanya-kanyang trip 'yan at hindi man tayo agree, mapipigilan ba? Basta practice safe sex palagi.

Here's a report from TV Patrol South Central Mindanao:


I think at an early age, dapat i-expose na sina tutoy at neneng on how they can protect themselves when it comes to sexual activities. 'Wag naman kinder, mga adolescence stage siguro ang perfect timing. Diyan na kasi nagkakaroon ng crush-crush at landian. What do you think? 


The best advice that I can give is to always keep 1 or 2 packs of condom in your wallet or kikay kit. Umatake man ang kati niyo, at least may sumbrero. Kapag naubusan, mag-download ng Safe Space app sa phone at maghagilap ng libreng condom sa pinakamalapit na establisiyemento. Tsaka kung kaya pa naman magpigil, 'wag manggigil. Hindi naman lahat dapat tinitikman. Ano 'to, samgyupsal?

Tuesday, December 4, 2018

Kwela 24

Barangay Pobres Park
Pinoy Klasiks
Mayo 15, 1997
Taon 34 Blg. 1948
Graphic Arts Services Inc.

Monday, December 3, 2018

Winners of Manhunt International 2018

It's the first Monday of the last month of the year. Na-enjoy niyo ba ang weekend? Ako, enjoy na enjoy! Naloka nga ako sa biglaang eksena sa FX. Bet ko sana ikuda pero saka na lang, kapag handa na po ako, Tito Boy. CHAROT! Aktwali, medyo pagoda coldwave ang ateng niyo sa dami ng labada kanina. 2 weeks load ba naman ang pinaikot-ikot at binanlawan ko kaya umaaray ang mga kasu-kasuan. Madaan sana sa hilot at Katinko.

Dahil Lunes ngayon at medyo malamig na ang simoy ng hangin sa umaga, painitin natin ito sa pamamagitan ng mga nagsasarapang kalalakihan na nanalo sa Manhunt International 2018.

Manhunt International 2018: Spain (Vicent Llorach)
1st runner-up: Australia (Dale Maher)
2nd runner-up: Netherlands (Luca Derin)
3rd runner-up: Philippines (Jeff Langan)
4th runner-up: Vietnam (Mai Tuan Anh)

Ginanap ang finals kagabi, December 2, sa Australia. Mula nang magbalik ang male pageant na ito noong 2016, ngayon lang ulit tayo nakapwesto. Panalo naman kasi ang pinadala ng kampo ng Aces & Queens ni si Jeff Langan. International model sa states na may lahing Pilipino. Lumalaban sa kaseksihan at ganda ng fes. Look niyo..,


Bago pa man magsimula ang kompetisyon, matunog na ang pambato ng Espana na si Vicent Llorach. He competed in Mister International Spain ngunit hindi nanalo. Kita mo nga naman, totoo talaga ang kasabihan na "When God closes a door, He opens a window". Aktwali, bukas ang pinto ng balur ko para sa kanya, inaantay ko na lang siyang pumasok nang nakaganito...


Binaha ba kayo, mga 'teh?

Sunday, December 2, 2018

Nagtatayugan

I was in Pampanga last week to visit my friend since he was assigned there to train people. Dahil free lodging naman, 2 of my girl friends grabbed the opportunity to see the beautiful Angeles City. HOMAYGASH! Malinis, malamig ang klima at masasarap ang pagkain sa karinderya. Madami pa ang serving! The best ang view from the low-rise hotel we stayed at. Kita ang Mount Arayat at walang nagtatayugang gusali. The facade of Holy Rosary Parish is one of the best na nakita ko. They maintained the Spanish-era structure. Bongga din ang Pamintuan Mansion at marami kang matututunan. We also tried 7 Beans at yummy ang Americano coffee nila.

Holy Rosary Parish
Pamintuan Mansion
Americano coffee at 7 Beans
Ano pa nga ba ang ginagawa ng mga magkakaibigan kundi ang walang-patumanggang kwentuhan at isa sa napag-usapan ay ang pagbabalik ni Sabel Gonzales. Nito lang kasi ay nakuhanan siya ng litrato sa isang party na nakadamit pambabae. If you remember early this year, pasavogue ang kanyang announcement na siya na muli si Mark Estephen Oblero. Here's the video...



Mga ateng, Im gonna give you my unedited opinion on this matter. As a trans woman like her, I find the video disturbing. Isa-isahin natin ang mga kuda niya:


1. He decided to follow Jesus fully and realized that he's a sinner.

Jesus knows that we are all sinners, whether you are a member of the LGBT+ community or straight ka. Your gender identity does not make you a sinner. 


2. There is still a chance to have a changed life.

Hangga't humihinga tayo, may pag-asa talagang mabago ang buhay. Nasa atin na lang 'yun kung paano gagawin. But changing your gender identity to what the religion dictates does not count. 


3. I found my identity thru Jesus Christ.

Walang ibang nakakaalam kung sino ka kundi ang sarili mo. Kung alam mong mahal ka ng Diyos at mahal mo siya, tatanggapin ka niya kahit ano ka pa man. What matters in heaven is 'yung kabutihan mo dito sa mundo. Don't be harsh to yourself. Be you. Ganyan!


4. The old has gone; behold, the new has come.

Which does not apply to one's gender identity. My interpretation on the Bible verse is kung naging masama kang tao dati at pinili mong magbago para sa kabutihan. Kasamaan does not equate to being an LGBT+ member same with kabutihan being straight.

Nagsulputan ang iba't ibang relihiyon ngayon at kanya-kanyang paraan upang humikayat ng mga miyembro. We are free to choose. Just make sure you balance everything - spiritual, mental, physical, financial and your emotions. Find a religion that will love you for who you are and will help you become a better person, but don't let it dictate on how you will live your life. Use their learnings as a guide. After all, hiram lang ang buhay natin at sure na gusto ng Panginoon na mabuhay tayo nang masaya at mabuting tao.