Sunday, September 20, 2020
Dinaig
Friday, September 18, 2020
Suwapang
ALV Productions
Directed by Gil M. Portes
Story by Gil M. Portes and Eric Ramos
Starring Marco Alcaraz, Victor Neri, Rubi Rubi, Cecil Paz and introducing Paloma
Dakilang ekstra sa action movies si Angelo (Alcaraz). Simula nang mamatay ang idolo niyang si FPJ, nahirapan na siyang makakuha ng trabaho. Sinubukan niyang mag-audition para sa isang gay indie film pero waley din. Imbey na sa kanya ang asawang si Kara (Paloma) na nagta-trabaho bilang takilyera sa isang lumang sinehan sa Quiapo.
Habang papunta sa kaibigan na kanyang uutangan, muntik nang mabangga si Angelo ng dalawang sasakyan na galing pala sa panghoholdap ng bangko. Nahulog dito ang isang bag na naglalaman ng mahigit sampung milyon piso. Dali-dali niya itong inilipat sa sariling bag pero naiwan niya ang kanyang wallet na may ID. Binalikan ng mga holdaper (Neri and Paz) ang lugar at dito nila nalaman kung sino ang tumangay ng pera.
Hindi naman naging suwapang sina Angelo at Kara. Binigyan nila ng tag-dalawang milyon ang dalawang sekyu na napatay samantalang isang milyon sa naka-survive. Pero natunton pa rin sila ng mga holdaper at dito na nagkaroon ng engkwentro. Napatay si Angelo samantalang nakatakas si Kara at umuwi ng probinsiya para makasama ang kanilang anak.
Medyo nababawan ako sa istorya pero aliw ako sa mga artista. Nakaka-miss mapanood sa action movie si Victor Neri tapos maganda ang chemistry nila ni Cecil Paz. Imbes na mainis, nakakatawa si Rubi Rubi bilang pakialamera at chismosang kasera. Paloma reminds me of Ellen Adarna, sexy pero hindi bastusin. Ano kayang nangyari sa kanya after nito? Nagkaroon ba siya ng ibang projects? Not bad naman siya sa acting part. At kay Marco Alcaraz, well, masarap siyang panoorin.
Rating: 2/5 stars
Thursday, September 17, 2020
Resistensya
Wednesday, September 16, 2020
Andar
Actually, mas keri pa ang production ng Magpakailanman kaysa sa pelikulang ito. Feel na feel mong tinipid lalo na parang kartolina lang 'yung ginamit sa lapida. Ang cringey din ng linyahan at hindi natural. Paulit-ulit ang "putang ina" para masabing intense ang eksena. Saving grace ng pelikula ang mga artista lalo na si Boots Anson-Roa kaya 1 star sa kanya. The other star came from Raymond Cabral. Inaabangan ko talaga siyang lumabas. May pasabog pa siya bago mag-ending. Ayun, sumabog din ang pantog ko. CHOS!
Tuesday, September 15, 2020
Las OpiniĆ³nes 2.0
Photo from CNN Philippines |
Photo from Inquirer |
Photo from One News |