Sunday, September 20, 2020

Dinaig

From late 2000s to early 2010s, marami tayong napuntahang premiere night ng mga gay indie films. Naging suki tayo ng UP Film Center at Robinson's Galleria. Medyo tuma-thunders na yata akiz kasi hindi ko naalala na umattend pala ako ng premiere night ng Lagpas: Ikaw, Ano'ng Trip Mo? Buti na lang at na-upload ko pala sa FB ang mga pictures na nakunan ko.

Lagpas (2010)
Cody Entertainment Production
Directed by Hedji Calagui
Screenplay by Paul Singh Cudail
Starring Dennis Torres, Rob Da Silva, Dustin Jose, Kim Allen and Miko Laurel

Tiyahin ni Roy (Laurel) ang may-ari ng boarding house kung saan nakatira sina Orlando (Torres), Diego (Da Silva) at Sandro (Allen). Si Orlando ay gitarista na nagbabalak umalis dahil siya ay HIV positive. Si Sandro ay nagtutulak ng droga kasama si Winston (Jose). Waiter naman si Diego na lihim na nagmamahal kay Orlando kaya panay ang attitude. Siga-sigaan, galit-galitan ang peg, 'yun pala bet si kuya. ECHOSERA!

Balak ni Sandro na i-setup si Diego para makatakas at makapag-bagong buhay. Nalaman ito ni Roy at sinabi kay Orlando. Agad itong sumugod para maging knight in shining armour kaya lang dinaig siya ng lakas at baril ni Winston. Habang nakatali sa isa't isa, nagtapat ng kanyang pag-ibig si Diego. Nakawala sila sa pagkakatali pero nahuli ni Winston. Nanlaban pero nabaril din si Orlando. The End.

Dennis Torres and Dustin Jose

Honestly, walang katorya-torya itong Lagpas. Umeffort naman sila sa pag-arte pero hilaw na hilaw. Maliban kay Miko, lahat ng ohms ay may eksenang naliligo at may frontal nudity. Mabilisan nga lang or malayo ang kuha para siguro hindi chop-chopin ng MTRCB.

Rating: 1/5 stars

No comments:

Post a Comment