Friday, September 18, 2020

Suwapang

Panahon na pala para i-review ng House of Representatives ang budget ng Pilipinas para sa taong 2021. Tumataginting na 4.5 trillion pesos ang pinag-uusapan. According to this DBM file, pinakamalaki ang budget ng DepEd pero nasa panglimang posisyon lang ang DOH. Kinavogue pa siya ng DPWH na nasa ikalawang pwesto. Walang pandemya, 'teh? Aanhin namin ang mga tulay at kalsada kung hindi kami makalabas dahil hindi niyo makontrol ang paglaganap ng veeruz?

Available din sa YouTube ang pagdalo ni VP Leni Robredo para ipagtanggol ang budget ng kanyang opisina. From the proposed PhP723 million, PhP679 million lang ang inaprubahan. Hindi man lang umabot ng bilyon ang budget ng pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa. Halos lahat ng nagsalita eh nagrekomendang taasan ang budget lalo na't nakakuha siya ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit. Bukod pa 'yan sa mga proyektong kanyang nagawa para tulungan ang mga frontliners. Pero siyempre, hindi mawawalan ng kontrabida. Ayaw ko na banggitin at nakakapangit siya! 

Para ma-good vibes tayo, watch na lang natin ang isang indie film starring the sexy husband of Miss International 2005...

Pitik Bulag (2009)
ALV Productions
Directed by Gil M. Portes
Story by Gil M. Portes and Eric Ramos
Starring Marco Alcaraz, Victor Neri, Rubi Rubi, Cecil Paz and introducing Paloma

Dakilang ekstra sa action movies si Angelo (Alcaraz). Simula nang mamatay ang idolo niyang si FPJ, nahirapan na siyang makakuha ng trabaho. Sinubukan niyang mag-audition para sa isang gay indie film pero waley din. Imbey na sa kanya ang asawang si Kara (Paloma) na nagta-trabaho bilang takilyera sa isang lumang sinehan sa Quiapo.

Habang papunta sa kaibigan na kanyang uutangan, muntik nang mabangga si Angelo ng dalawang sasakyan na galing pala sa panghoholdap ng bangko. Nahulog dito ang isang bag na naglalaman ng mahigit sampung milyon piso. Dali-dali niya itong inilipat sa sariling bag pero naiwan niya ang kanyang wallet na may ID. Binalikan ng mga holdaper (Neri and Paz) ang lugar at dito nila nalaman kung sino ang tumangay ng pera.

Hindi naman naging suwapang sina Angelo at Kara. Binigyan nila ng tag-dalawang milyon ang dalawang sekyu na napatay samantalang isang milyon sa naka-survive. Pero natunton pa rin sila ng mga holdaper at dito na nagkaroon ng engkwentro. Napatay si Angelo samantalang nakatakas si Kara at umuwi ng probinsiya para makasama ang kanilang anak.

Marco Alcaraz

Medyo nababawan ako sa istorya pero aliw ako sa mga artista. Nakaka-miss mapanood sa action movie si Victor Neri tapos maganda ang chemistry nila ni Cecil Paz. Imbes na mainis, nakakatawa si Rubi Rubi bilang pakialamera at chismosang kasera. Paloma reminds me of Ellen Adarna, sexy pero hindi bastusin. Ano kayang nangyari sa kanya after nito? Nagkaroon ba siya ng ibang projects? Not bad naman siya sa acting part. At kay Marco Alcaraz, well, masarap siyang panoorin. 

Rating: 2/5 stars

No comments:

Post a Comment