Kudaan muna natin ang ilan sa mahahalagang isyu ng bayan...
Photo from CNN Philippines |
1. Sa panahon talaga ng pandemya naisip ng DENR na maglagay ng white sand o dolomite sa Manila Bay. Pwede na bang mamasyal ngayon para i-enjoy 'yan? I'm sure na katakot-takot na pera ang nawaldas at nabulsa para lang dalhin 'yan mula Cebu pa-Maynila. Mga ma'am at ser, paalala ko lang na maraming nagugutom at nawalan ng trabaho. Baka pwede niyo kaming unahin.
Eto pa, pinagmamalaki nila na malinis na daw ang Manila Bay. Mga gagang 'to! Kahit anong hakot mo ng basura diyan, mabaho at marumi pa rin 'yan. Malilinis lang 'yan kung 'yung pinanggagalingan ay malinis na din.
Photo from Inquirer |
2. May bagong pakulo ang DOTr simula kahapon. Every 2 weeks daw ay liliit ang physical distancing rule. From one meter ay magiging 0.75 meters then 0.5 meters hanggang sa maging 0.3 meters sa October 12. Request daw 'yan ng madlang pipol dahil sa pagbubukas ng ekonomiya. Ang payo ng mga eksperto, I mean medical practioners, ay sundin pa rin ang isang metrong layo kasi hindi pa naman nafa-flatten ang curve ni Manay Rona. Nandiyan pa rin siya at kailan lang ay halos limang libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw. Kaya mga ateng, ang payo ko eh the farther, the better. Mahirap itaya ang buhay kaya maigi na mag-ingat.
Photo from One News |
3. Isang dagok sa transgender community at mga Pilipino ang pagbibigay ng absolute pardon sa mamamatay tao na si Joseph Scott Pemberton. Matapos ipaglaban ng pamilya ni Jennifer Laude ang kaso at hindi nagpasilaw sa pera, basta na lang itong pinalaya. 'Wag daw kwestiyonin dahil may kapangyarihan ang pangulo na gawin ito. Ang nakapagtataka lang, walang kaalam-alam dito ang mga abogado niya. Wala rin daw kinalaman ang US dito. Itinaon din ang pagpapalaya sa gitna ng init ng PhilHealth scam. WOW! Kung susuwertihin ka nga naman.
Ayon kay Julita Laude, nanay ni Jennifer, sampung taon na nga lang daw sana ang hinihingi nilang kapalit sa ginawa ni Pemberton pero napaikli pa. Maliit na kabayaran sa pagkawala ng buhay ng kanyang anak. May tarak sa puso ang mga linya ni mother. Syet!
Maliwanag pa sa tubig ng Maynilad na isa itong injustice sa loob mismo ng ating bansa. Tila ba pinatikim sa iyo ang hustisya pero babawiin din pala. Napakasakit. Tayo mismong kapwa Pilipino ang tinalikuran at pinagkaitan ng patas na laban.
No comments:
Post a Comment