|
Taken from Pride March 2018 |
It's the last day of
Pride Month and I just want to say
MABUHAY ang lahat ng mga miyembro ng
LGBTQIA+ community na patuloy na nakikipaglaban para sa pantay na karapatan. Malayo pa ang tatahakin natin lalo na kung iboboto natin ang mga tulad nina Pacquiao at Tito Sotto sa susunod na halalan. Ilang beses ko na yata nasabi 'yan lol!
I have no words for the death of
PNoy. Patunay ang kamatayan niya na marami pa ring Pilipino ang naniniwala sa demokrasya at sumusuporta sa kanya. Lumabas sila sa kani-kanilang tahanan para makiramay. May iba pa na nagsabit ng dilaw na laso, simbolo ng kanilang pakikidalamhati at pasasalamat. Siniraan man at binaboy sa loob ng halos limang taon, hindi mabubura ng mga trolls ang magagandang ginawa niya para sa bansa. The work speaks for itself. Manigas kayong mga paid at unpaid trolls. Babalik din sa inyo ang ginagawa niyo.
|
Images from Google (ctto) |
So far, nagsabi na sina
Ping Lacson at
Dick Gordon na tatakbo sila sa pagkapangulo sa 2022. Si
Tito Sotto pa lang ang vocal sa pagka-VP while hilong talilong tayo sa iba't ibang pahayag ni
Tatay Digz. Minsan sasabihin ni tatay na gusto na niya mag-retire, the next day iba na. Parang pinaglalaruan ang taumbayan. Well, since 2016 pa naman. Pinipilit din ng ilan na magpahayag na si
VP Leni sa kanyang mga plano pero tikom ang bibig ng busy presidente natin at focus muna ang pagtulong sa bayan. Tama lang 'yan dahil kung maaga nga naman siyang magsasalita, maaga din gagawa ng paninira ang mga kalaban niya. Just like PNoy, let her work speak for her kind of leadership. Kung ayaw niyo, eh di doon kayo sa kabila para unli quarantine. Walang halong char.
Quarter 3 na tayo bukas, mga ateng. In 2 months, BER months na ulit. I just wish we will have a better country when the Christmas season comes. Sana makapaglamyerda na tayo muli na hindi natatakot magkasakit, makapagyakapan at makipag-beso-beso, at makalanghap ng hangin na walang nakatakip sa mga fez. Miss ko na rin ang midnight escapades pero makapag-hihintay naman 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan natin laban sa COVID-19 at variants nito.
No comments:
Post a Comment