Monday, August 30, 2021

Mitsa

Dalawang araw na lang at matatapos na ang Agosto na siya ring Buwan ng Wika. Natatandaan ko pa noong nasa elementary ako, Linggo ng Wika lang ito. Bida palagi ang imahe ni Francisco Balagtas sa mga programa sa school. Ginagaya pa minsan ng mga guro at estudyante ang mga dahon na nakalagay sa gilid ng kanyang ulo.

Bago dumating ang selebrasyon, ina-anunsyo muna ng eskwelahan ang mga paligsahan na pwedeng salihan. Nariyan ang sabayang pagbigkas, pagtula, at pagsusulat ng sanaysay. I do not remember joining any competition pero nakatatak talaga sa isipan ko ang libro na may malaking WIKA sa cover at may drawing ng mga hayop sa ibaba. Nakatutuwang alaala.

Ngayong araw, ika-30 ng Agosto, ang Araw ng mga Bayani. Tinuturing na modern heroes ang ating mga healthcare workers apero tila ba pinaglalaruan sila ng gobyerno. Todong atrasado ang kanilang benepisyo na dapat ay last year pa pero pautay-utay na binibigay sa kanila. Mitsa ito ng kanilang protesta laban sa DOH at baka maging dahilan pa ng mass resignation. Maiiwasan sana ang eksenang 'yan kung alam ng mga namumuno ang prayoridad ngayon. Eh sa tuwing kukuda itong si Tatay Digz sa kanyang weekly midnight show, puro pagtatanggol pa sa mga incompetent appointees niya ang maririnig natin. Samu't sari pa ang kontrobersyang hinaharap dahil sa mga maanomalyang overpriced transaction. NAKAKALOKA! Kilabutan naman kayo sa ginagawa niyo!

Nakakainit ng ulo itong mga 'to kaya bilang pampakalma, heto ang isang nobela ni Helen Meriz na lumabas sa mga pahina ng Love Story Komiks noong 1983...

Paano Kung Hindi na Kita Mahal
by Helen Meriz & Ben Maniclang
Love Sory Komiks
Blg. 602, Abril 4, 1983
Adventures Illustrated Magazines, Inc.

No comments:

Post a Comment