Friday, August 27, 2021

Status

July, August at September talaga nagiging inconsistent ang panahon, 'no? Minsan sobrang init, minsan naman ang lakas ng ulan. Tapos parang sinasadya pa na bubuhos 'yan kapag rush hour. Ayun, trapik kahit saan. Good luck talaga sa biyahe lalo na kung sa EDSA ang daan. AY TEKA! 'Di ba may nagsabi from DPWH na wala na daw traffic diyan dahil sa #BuildBuildBuild. Saang parte kaya 'yung tinutukoy niya? Nasubukan na kaya niyang mag-commute tuwing ala-sais ng gabi mula Makati hanggang Balintawak na hindi ECQ?

Anyways, may bagong labas na HIV/AIDS update mula sa DOH. As of June 2021, mayroon 6,043 new cases this year. That's like 33 cases per day. 50% ang itinaas mula sa 22 cases per day noong 2020. 30% (1,813) niyan ay nasa NCR na sinundan naman ng Region 4A with 18% (1,073). Kung pag-uusapan ang kasarian, malayo ang agwat ng mga otoko na may bilang na 5,754 sa 289 ng mga merlie.

Image courtesy of ARcare.net
For June alone, merong 1,496 new cases. Pinakamataas na mode of transmission ang pakikipagtalik with 95% (1,425). M2M o male to male sex ang top performer with 64% (909). Kung edad ang pag-uusapan, 50% ay nasa 25-34 na sinundan ng 15-24 na may mahigit 28%. Ang babata!

Kasama rin sa report ang trans community. A total of 103 cases this year, 19 of which came from June 2021. Simula nang masama tayo sa report noong January 2018, may naitala nang 998 cases at 99% diyan ay nakuha sa pakikipagtalik.

Kahit pala may pandemya ay patuloy na dumarami ang kaso ng HIV/AIDS. Akala ko ay bababa dahil bawal lumabas at sarado mga motmot. Maaaring dahil ito sa mas marami ang nagpapa-test para malaman ang kanilang status. The earlier you know, the more chances of preventing it to progress.

Mga ateng, patuloy nating pangalagaan ang ating mga sarili. Pinaka-epektibo pa rin ang safe sex. Kung kaya, tiis-tiis muna na walang bona. Kung hindi mapigilan ang init ng laman, pakyawin ang mga condom sa tindahan. Kung bagong kakilala lang ang bona kid, 'wag na 'wag papayag sa bareback at creampie. Kahit masarap panoorin 'yan sa alter world, maigi pa rin na protektahan ang sarili. Kung may partner naman, loyalty is the best policy at iwasan ang pagiging adventurous. Of course, magpa-test regulary to know your status.

No comments:

Post a Comment