Sunday, December 26, 2021

Maliit o Malaki

Kumustasa ang Pasko niyo, mga ateng? Nawa'y nabundat at naging maligaya kayo. Ikalawang selebrasyon na natin ito na kasama si Aling Covida at kahit mas maigi ang lagay kumpara noong isang taon, may pangamba pa rin sa tuwing lumalabas. Buti na lang at mas madali na ngayon ang access sa bakuna. Kung eligible na kayo sa booster shot, magpaturok na. Basta lagpas 3 months na noong nagpa-second dose kayo o 2 months sa primary single-dose vaccine, pwedeng-pwede na. 

May pahabol palang mga larawan ang #TabangLadlad ng Ladlad Party-list kung saan ipinamahagi nila ang ating donasyon sa Golden Gays at Brgy. Kapitolyo sa Pasig

***
Nitong mga nakaraan eh wala akiz ginawa kundi magpatugtog ng Christmas songs bilang nakaka-lift talaga siya ng spirit. Lakas maka-good vibes lalo kapag medyo down ka. Staple na sa playlist ko ang Christmas albums nina Mariah Carey, Christina Aguilera at Kylie Minogue. My trifecta of Christmas melodies kumbaga. Nitong nakaraan din eh nahilig ako sa mga Pamaskong kanta ng OPM artists. More on the songs na lumabas noong '80s tulad ng Kampana ng Simbahan, Sino si Santa Klaus, Sa Paskong Darating atbp. Buti na lang at meron pang kiosk ang Universal Records sa Fishermall kaya namili tayo. Bagong dagdag sina Regine Velasquez at Salubungin ang Pasko by various artists.

Maybe it comes with the age pero iba talaga ang epekto ng musikang Pilipino lalo na kapag Pasko. Parang ibinabalik ka sa pagkabata kung saan maraming kang masasayang alaala kasama ang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 'Yung sama-sama kayong sinasalubong ang pagpatak ng alas-dose ng umaga sabay kain ng Noche Buena. Kinabukasan eh mamamasko sa mga ninong at ninang at matutuwa sa malulutong na tag-lilimang pisong papel. Ang sarap balikan ang pagkabata! Ngayon eh tayo na ang aligaga sa kung ano ang ihahanda at ipapamasko sa mga inaanak. Tapos wala na tig-bebenteng papel ngayon. KALOKA!

***
Kung naging masagana ang Kapaskuhan natin, meron naman sa ating mga kababayan ang wala ni pader o bubong na masisilungan dahil sa hagupit ng bagyong Odette. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero hirap pa rin maiabot ang tulong sa kanila. Kaya naman kung may maitutulong tayo, halikayo't mag-donate ng kaperahan o kahit anong mapapakinabangan nila. Walang maliit o malaki sa panahon ng pagdadamayan kaya kung ano ang kaya, ibigay natin. Heto ang dalawa sa pwede nating pagdalhan ng ating mga donasyon:

Saturday, December 18, 2021

Pinakyaw

Kung natatandaan niyo, nagkaroon tayo ng online tiangge noong Hunyo. Overwhelming naman ang suporta na nakuha natin dahil pinakyaw ang ating paninda. As promised, ang proceeds ay itutulong natin sa mga ateng na nangangailangan. Matapos matanggap ng huli nating suki ang package noong Oktubre, naghagilap ako sa Facebook ng charity na tutulungan. Napili natin ang proyektong #TabangLadlad ng Ladlad Party-list.

Nakipag-ugnayan tayo sa kanila via email para malaman kung ano ang kailangan nila. Foodpacks tulad ng bigas, noodles at de lata. Kahit ano naman daw ay pwede basta mapapakinabangan.

Nakalikom tayo ng 6,700 pesosesoses at para ma-observe ang physical distancing, nag-grocery online na lang ako sa Waltermart app. Heto ang breakdown ng ating mga pinamili, click niyo na lang para lumaki ang imahe:

Hindi natin naubos ang pondo at nag-refund pa ng tatlong piso ang Waltermart dahil sa substitution of products. Kaya naman nag-donate tayo ng cash sa kanila at pinadala via GCash. Heto ang proof of transfer:

Muli, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta. I hope na-enjoy niyo ang mga magazines habang nakatulong sa ating mga kapuspalad na kapatid. Pinasaya niyo ang kanilang Pasko. 

Sana'y magkaroon muli tayo ng online tiangge next year. Sa mga nakakabasa nito, kung sino man sa inyo ang may mga lumang Chika-Chika o Pinoy magazines na gustong i-donate, maari kayong mag-email sa ating kaharian.

MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG! 🎄

Sunday, December 5, 2021

Toro

A few days ago, may nakita akong posts sa Facebook at Carousell na nagbebenta ng VCDs. Filipino sexy movies na ang karamihan ay naipalabas noong late '90s to early 2000s. Dahil fan akiz ng mga pelikulang 'yan at morayta lang ang bentahan, binayla ko ang ilan. Isa sa mga nakuha ko ang kontrobersyal na pelikulang Live Show.

Toro ang original title nitey pero wiz pumayag ang MTRCB noon. Una ko itong napanood nang mag-leak ang director's cut o international edition sa pirata. Nakakaloka ang sex scenes dahil give na give sa torohan ang mga bida. Ang karakter ni Gigi na ginampanan ni Klaudia Koronel ang pinakapaborito ko sa lahat. Paano ba naman, bungangera, ambisyosa, pero matulungin sa pamilya at mapagmahal na kaibigan. I can relate CHOS! Back to sex scenes, na-shock talaga ako sa helicopter position na wala sa official release. Tandang-tanda ko na sinabayan 'yung ikot ng elisi ng ceiling fan. PAK NA PAK!

Live Show (2000)
Regal Films and Available Light Production
Written and Directed by Jose Javier Reyes
Starring Klaudia Koronel, Ana Capri, Hazel Espinosa, Simon Ibarra and introducing Paolo Rivero

Bata pa lang ay mulat na si Rolly (Rivero) sa pagpuputa ng nanay niya para mapakain silang magkakapatid. Pinagputa din ng nanay niya ang kapatid na babae samantalang inaakit ng masasamang gawain ang bunsong kapatid. Manhid na si Rolly sa mga pagsubok ng buhay kaya kahit gaano man kahirap, hindi na siya naiiyak.

Pinamigay ni Rosita (Capri) ang anak sa isang kaibigan na siya namang ibinigay nito sa ibang pamilya. Matapos ang ilang taon, nais niyang makilala at mayakap ito. Hindi na rin kasi siya maaaring magkaanak dahil sa pagpapalaglag. Ilang beses na rin siyang nagtangkang magpakamatay pero ayun, buhay pa ang loka.

Pangarap ni Gigi ang mangibang bansa para makaahon sa hirap. Siya din kasi ang breadwinner ng pamilya. Bukod sa pagtotoro, may jowa din siyang may kaya sa buhay. Hiningan niya ito ng pera pang-Japan na nadispalko naman ng masasamang loob.

Matagal nang tinalikuran nina Vio (Ibarra) at Sandra (Espinosa) ang pagtotoro simula nang magka-anak. Pero dahil hirap makahanap ng trabaho si otoko at kakarampot naman ang kita ni merlie sa pagtitinda, wala silang choice kundi bumalik sa dating gawain.

"Ang tao, lumuluhod sa pagsamba sa Diyos. Pero ang tao, handang humilata at magpakamatay sa pagsamba sa pera. Hindi naman mahirap intindihin 'yon, 'di ba? Kung sino may pera, siya ang may kapangyarihan. Kung sino may pera, siya may karapatang mabuhay. Wala nang kataka-taka doon."
Isa sa pinaka-tumagos na linya sa puso ko eh 'yung sinabi ni Rolly sa taas. Sinabi niya 'yan nang isugod sa ospital ang nanay na may kanser sa matris at wala silang pambayad. Trew naman na kung mapera ka, most likely mapapagaling mo ang sakit mo. Kung tinaningan ka naman, mapapahaba ng pera ang buhay mo. You will get the best medical assistance, habang ang mahihirap, nagtitiis sa mainit na ward, nangungutang, o 'di kaya'y lalapit sa mga pulitiko, at pipila sa SWA.

Introducing palang dito si Paolo Rivero pero magaling na umarte. Tunay siyang naging pantasya ng mga milenyal na GBT+. Bumalik tuloy ang aking pagtingin. Hindi rin pahuhuli si fafah Simon Ibarra lalo na doon sa macho dancer number niya. Kilig na kilig ang imaginary kipay ni ateh habang dinudunggol ng notey ang fes niya. SARAP!

Kung marami na kayong napanood na pelikula ni Jose Javier Reyes, napansin niyo na siguro na makuda ang characters niya. Daming ebas bawat eksena at hindi iba diyan ang Live Show. What sets this movie apart from his other works ay smooth ang flow ng script. Hindi may masabi lang.

Relevant pa rin magpasahanggang ngayon ang pelikula. Sa panahon ngayon na madaming negosyo ang nagsara, marami ang nawalan ng trabaho. Hindi naman humihinto ang pagkalam ng sikmura at bayarin kaya ang ilan ay napipilitang kumapit sa patalim. Hindi man sa pagbebenta ng aliw, sa ibang paraan na pinipilit sikmurain.

Rating: 4.5/5 stars