Kumustasa ang Pasko niyo, mga ateng? Nawa'y nabundat at naging maligaya kayo. Ikalawang selebrasyon na natin ito na kasama si Aling Covida at kahit mas maigi ang lagay kumpara noong isang taon, may pangamba pa rin sa tuwing lumalabas. Buti na lang at mas madali na ngayon ang access sa bakuna. Kung eligible na kayo sa booster shot, magpaturok na. Basta lagpas 3 months na noong nagpa-second dose kayo o 2 months sa primary single-dose vaccine, pwedeng-pwede na.
May pahabol palang mga larawan ang #TabangLadlad ng Ladlad Party-list kung saan ipinamahagi nila ang ating donasyon sa Golden Gays at Brgy. Kapitolyo sa Pasig.
Maybe it comes with the age pero iba talaga ang epekto ng musikang Pilipino lalo na kapag Pasko. Parang ibinabalik ka sa pagkabata kung saan maraming kang masasayang alaala kasama ang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 'Yung sama-sama kayong sinasalubong ang pagpatak ng alas-dose ng umaga sabay kain ng Noche Buena. Kinabukasan eh mamamasko sa mga ninong at ninang at matutuwa sa malulutong na tag-lilimang pisong papel. Ang sarap balikan ang pagkabata! Ngayon eh tayo na ang aligaga sa kung ano ang ihahanda at ipapamasko sa mga inaanak. Tapos wala na tig-bebenteng papel ngayon. KALOKA!
No comments:
Post a Comment